017

2.3K 64 3
                                    

ASTRID

"Good morning"

Masiglang bati ko at agad na umupo sa katapat na upuan ni kuya.

"Nako. Ang ganda ng gising mo ah."

Nginitian ko naman si Nanay Lorna. Matagal na syang naninilbihan sa pamilya namin kaya naman halos magulang na rin ang turing namin sa kanya. Tuwing wala sila daddy at mommy ay sya ang nag babantay samin.

"Abay, kamusta ka naman sa eskwelahan ninyo? Mabait ka naman ba?"

Sumubo muna ako bago nag salita.

"Opo naman nay. Ako pa ba"

"Sus. Nako nay. Wag kang maniwala dyan. Nag sisimula na naman yan sa mga pang bubully nya."

Sinamaan ko lang ng tingin si kuya.

"Abay, akala ko ba ititigil mo na yan, Landry?"

"Wala lang po yun, nay. Katulad lang yun ng dati"

Inirapan ko lang si kuya.

"Nako kang bata ka. Abay dalaga kana, hindi kana dapat nakikipag away."

Pangangaral sakin ni nanay.

"Pano po, natotomboy na ata yan dun sa nerd na schoolmate eh."

"What? Naririnig mo ba yang sinasabi mo, kuya?"

Tinawanan nya lang ako at muli namang nabaling ang atensyon ko ng mag salita si nanay Lorna.

"Ayoko namang manghimasok pero ikay matanda na. Dapat ay binabago mo na yang ganyang pag uugali. Iyang kuya mo, halos lahat ng ginagawa mong kalokohan ay isinusumbong ka sa mommy at daddy mo. Paano kung pagalitan ka na naman?"

"Hayaan nyo na po yan, nay. Sumbongero kase yan"

Tinawanan lang ako ni kuya at inirapan ko lang sya. Nagpatuloy ako sa pag kain at nang matapos ay nag paalam na din ako para pumasok.

After kong mag breakfast ay nag paalam na rin ako para pumasok. Dumeretso ako ng gym dahil may training kami. Wala pa sila at ako pa lang ang nasa gym kaya nag stretching muna ako ng makapagpalit ng damit.

"Good morning. Ang aga ah"

Bati sakin ni Zay. Binati ko lang din sya pabalik. Ilang minuto lang din naman ay may ilan narint teammates namin ang dumadating.

"May date kana ba sa party?"

Tanong ni Zay habang nag stretching. Drinibble ko muna ang bola at sinerve ito bago nag salita.

"Alam ko namang aayain ako ni Ryker no. Baka isusurprise ako kaya pa suspense ang ganap"

Kinikilig na sabi ko sa kanya.

"Ikaw? Niyaya mo naba si Nayi?"

Bahagya syang ngumiti at tumango.

"Yeah. Nung monday pa."

"Good morning!"

Sa lakas ng boses at sa pambatang tono ay kilala na namin ni Zay kung sino ang abnormal na yun.

"Late kana, Sari"

Nag peace sign lang sya sakin at inirapan ko lang.

"Sorry. Medyo traffic eh."

Dahil marami ang kulang ay naupo muna kami sa bench at nag kwentuhan pero mukhang maliban sa abnormal ay tila manhid din tong Saring to dahil sa dami ng pwedeng isingit ay tungkol pa kay nerdy.

"Ano namang meron sa kanya?"

Iritable kong tanong kay Sari.

"Wala lang. Naalala ko lang yung nangyare kahapon sa cantee."

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon