ASTRID
Parang lalabas na sa loob ng dibdib ko ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Pakiramdam ko hindi na rin ako makahinga sa sobrang kaba. Siguro masyado akong natatakot sa pwedeng gawin ni kuya lalo pat hindi ko maiwasang isipin yung sinabi ni Lola Carmen kanina.
Kung may kahalikan sya, pwedeng tama ang hinala ko na niloloko nya si kuya at natatakot ako na baka kapag nalaman ni kuya ang totoo, baka kung anong magawa nya. Alam ko kung gano kamahal ni kuya si Cadence kaya nga wala akong ideya kung anong posibleng magawa nya kapag nasaktan sya ng sobra dahil kay Cadence.
Sa ika apat na pag katataon ay muli akong napalunok habang tinitignan si kuya na mukhang nag dadalawang isip din kung pipindutin ba ang doorbell o hindi. Hindi ko alam pero muli akong bumaling kay nerdy na prenteng nakasandal sa motor nya. Magka krus ang mga paa nya at mga kamay nya. Binalik ko ang tingin ko kay kuya. Mabilis at parang nagulat pa syang napatingin sakin ng kapitan ko ang braso nya at bahagyang ngumiti.
"Si Cadence ang pinunta natin dito kuya. You have nothing to fear."
Nakangiting sabi ko na pilit na pinapagaan ang pakiramdam nya. Nginitian nya naman ako tyaka humingang malalim at tuluyan ng pinindot ang doorbell.Sunod sunod na ang pag lunok ko at muling nangibabaw ang kaba ko ng sa ikatlong beses na pag doorbell ni kuya ay bumukas ang ilaw sa loob. Muli akong napatingin kay Nerdy. Malayo sya samin dahil nasa kabilang kalsada sya pero di ko alam kung bakit parang sigurado akong sakin sya nakatingin.
"Sino yan?"
Muli akong napatingin sa pinto ng marinig ang malambing na boses ni Cadence at tama nga. Nakumpirma kong si Cadence nga ang nasa loob ng bumukas ang pinto at maging sya ay nagulat ng makita kami.
"A-ash...b-brent? W-what are doing here?"
Gulat na tanong nya. Tinignan ko ang kabuuan nya at parang matutulog na sya dahil sa manipis na damit at short na soot nya na napapatungan ng robe."You should greet us first, wasnt it?"
Nakangiti pero puno ng sarkastikong sabi ni kuya. Sunod sunod na napakurap si Cadence at bumaling pa sa loob na parang may tinignan at hindi ko maiwasang mag taka ng bigla nyang sinara ang pinto at peke ang ngiting humarap kay kuya."Brent! H-how did you know im here?"
Peke ang ngiti at pilit nyang pinasigla ang boses sa kabila nito ay ramdam ko ang matinding kaba nya. Higit pa sa kaba na naramdaman ko kanina.'Hindi man lang ba nya kami papapasukin muna? How rude. Tsk!'
"Why didnt you tell us youre here?"
Seryosong tanong ni kuya imbes na sagutin sya. Nawala ang ngiti sa mukha ni Cadence at parang nag hahanap ng dapat isagot sa tanong ni kuya."W-wait me here. Lets talk —"
Pautul utal na sabi nya pero mabilis na pinutol ni kuya ang sinasabi nya."Why do i feel that your scared?"
Seryosong tanong ni kuya. Kahit ako ay hindi ko maiwasang mag taka na parang takot na takot talaga sya."S-scared? Im not scared! Hahaha. I-im just surprised that youre here. M-mag bibihis lang ako s-sandali."
Agad na tinalikuran nya kami pero bago nya buksan ang pinto ay muli ulit syang humarap samin at agad na hinila si kuya."L-lets go. S-sa bahay na lang tayo mag usap."
Parang aligaga nyang sabi habang hinihila si kuya palapit sa kotse nito. Nag tataka man ay sumunod lang ako sa kanila.'Bakit pakiramdam ko may tinatago sya samin. Parang may gusto syang iwasan.'
Nahinto naman ako sa pag lapit sa kanila ng biglang himinto si kuya kaya maging si Cadence ay nahinto din sa pag hila sa kanya. Bakas ang galit, inis at pagtitimpi sa mukha ni kuya.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...