ASTRID
Matapos ang nakakatamad na klase ay muli akong sinundo ni Ryker. Pinakuha ko na lang sa driver namin yung kotse sa parking lot at dumiretso na kami ni Ryker sa SH mall. Isa ito sa mall na pagmamayari ng slow kong bestfriend na si Sari. SH short for his full name dahil sabi ng parents nya, para sa kanya daw lahat ng mga pinaghihirapan nila. Sweet no?.
Kung saan saan lang kaming stall pumasok. Madalas puro womens store yung pinapasukan namin at hindi naman sya nahihiya.
"What do you think?"
Tanong ko sa kanya pagkalabas ko ng fitting room. Agad naman nyang binaba ang phone nya at nakangiting tumingin sakin.
"Hm. Nothings change"
Napasimangot naman ako sa kanya. Pero agad ding kinilig ng magsalita syang muli.
"Sobrang ganda mo parin."
"Kainis ka. Akala ko hindi bagay eh."
"Hahaha. Sorry. But believe me, your really looked so gorgeous"
Pakiramdam ko sobrang pula na ng pisngi ko sa kilig. Pati yung dalawang sales lady, natatawa din sa kilig.
Binili namin yung dress at pumasok naman kami sa loob ng couples stall.
Sobrang naamaze ako pag pasok pa lang namin. Napakaraming kung ano anong pang couples. May couple shirt, accessories, shoes, at kung ano ano pa. Pero isa lang nakaagaw ng atensyon ko ang cute na bracelet. Simple lang ang design nya pero sobrang lakas ng dating."Ryker. Bilin natin to"
Naeexcite na sabi ko sa kanya.
"Ha? Eh, ang dami mo ng accessories ah"
"Eh iba naman to eh. Isa pa, couple bracelets to. Dali na."
Hinawakan ko pa sya sa braso at nag pa cute. Alam kong hindi nya ko kayang tanggihan at sa huli.
"Okay. As you wish. "
At pinisil pa ko sa pisngi. Sobrang saya ko dahil pinagbigyan nya ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa bracelet na soot ko at napatingin naman ako sa kamay nya. Bahagya syang nagulat ng hawakan ko ang kamaya nya. Kahit kase sweet kami sa isat isa, hindi naman kami ganun ka clingy. No holding hands, no kiss kumbaga mga sweet words and actions lang.
"Ang cute nung bracelets eh."
Nginitian nya lang ako at pinisil sa pisngi.
"Gutom kana?"
Tanong nya sakin.
"Hm. Medyo haha"
"San mo gustong kumain?"
Hinayaan nyang pumili ako ng restaurant. Mabilis naman kaming pumili sa menu at nag kwentuhan lang habang nag hihintay.
Madalas puro tungkol sakin ang pinag uusapan namin. Hindi kase talaga sya masyadong makwento at ilan lang ang alam ko tungkol sa buhay nya. Hindi kona rin naman sya masyadong tinatanong kase syampre, personal life nya yun. Ganun pa man hindi parin kami matigil sa kakatawa.
"Grabe ka. Hindi kaya ako tumaba"
Nakangusong sabi ko sa kanya ng mabanggit nya yung pag crave ko sa isang galon ng chocolate.
"Haha anong hindi. Pati nga ngipin mo, halos mabulok na lahat. "
"Hoy, hindi naman ah tyaka--"
"Hello there?"
Napatingin kami sa pamilyar na boses na palapit samin.
"Oh, hi Stephanie."
Tumayo ako at nakipag beso sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Novela Juvenil"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...