ASTRID
Lumipas pa ang ilang araw at sa loob ng mga araw na yun ay naging abala lang ako sa maraming bagay. Sa loob din ng araw na yun ay nabawasan ang bigat sa dibdib ko.
Nung gabing hinatid ako ni Kim, pakiramdam ko ang bigat bigat ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nalungkot ako na si Kim lang ang nag hatid sakin. Pakiramdam ko kase wala syang paki sakin.
Pero nung gabi ding yon ay pinaliwanag sakin ni kuya ang lahat. Hindi ko alam kung magagalit ba ko kay kuya dahil alam ko, dahil sa ginawa nya nasaktan si Nerdy. Kinuwento nya sakin na alam nya pa nung time na yun na sila pa pero niligawan nya parin si Cadence at nung mismong birthday ni Cadence, sinagot sya nito at hindi nila naisip ang pwedeng epekto ng ginagawa nila kay Nerdy. Nagalit ako kay kuya. Ilang beses ko pa syang nasigawan dahil alam ko yung pakiramdam na lokohin. Maging si mommy ay hindi nagustuhan ang mga sinabi ko kay kuya pero masyado akong galit nung gabing yun. Hindi rin naman nagustuhan ni mom ang mga ginawa ni kuya dati pero sabi nya, tapos na daw. Nangyare na ang dapat na mangyare. Ang magagawa lang daw namin ay panagutan ang mga ginawa naming mali. Sa huli wala naman akong choice kundi mag move on. Pinatawad ko si kuya kahit kung tutuusin wala naman syang ginawa sakin.
Isang bagay na gusto ko sa mga nangyare ay yung mas lalo kong nakilala si kuya. Mas napatunayan ko sa sarili kong pagdating sa pagmamahal, nagiging tanga at sakim talaga ang mga tao. Akala ko ako lang pero mukhang nasa dugo na namin ang pagiging tanga sa pagibig. Dahil din sa nangyare ay napatunayan kong hindi ako nag iisa, nandyan ang mga kaibigan ko na palagi akong sinasamahan dahil ayaw daw nilang malungkot ako at maging si mommy ay halos araw araw akong niyayaya kung saan. Nakakatuwang isipin na lahat sila gumagawa ng paraan para maging okay ako kahit ang totoo ay hindi na ko ganun ka apektado kahit makita ko pa sila Steph at Ryker. Hindi ko parin sila kinakausap dahil hindi ko makalimutan yung galit ko na ginago nila ko pero hindi ko na maramdaman yung sakit. Kaya ko na nga silang titigan na magkasama.
Tama. Ng mga sumunod na araw na papasok ako ay nakikita ko na silang mag kasama. Syempre nagtaka ang lahat at hindi na ko nagulat na mabilis na kumalat sa buong campus ang mga nangyare. Lahat alam na nila. Yung panloloko sakin ni Ryker, yung kay Cadence at Steph, yung pagiging mag ex nila Cadence at nerdy, lahat yun alam na ng lahat. Ganun nga ata ang balita. Mabilis kumalat lalo na sa mga chimosang matalas ang radar.
Hindi ko alam pero sa nakalipas na araw nawalan na ko ng paki sa ibang tao, sa mga taong puro bulungan at papansin lang ang alam. Nakakasawa din palang maging sikat kase lahat ng tungkol sayo pipilitin nilang malaman, siguro para magawa nila kong sirain. Naiinis din ako kase hindi ako mapakali sa mga nakalipas na araw, parang kinakabahan ako na ewan. Hindi ko alam kung dahil ba sa pupunta si Chairman sa school o dahil babalik na si Nerdy.
"Ash, you okay?"
Pag agaw sa atensyon sakin ni Sari. Nandito kami sa circle para mag palipas ng oras. Kakatapos lang kase ng training namin at maaga pa para sa unang klase."Hmm. Yeah. Im fine."
Nakangiting sabi ko. Heto na naman ang mga tingin niya. Yung mga tingin niyang parang naawa siya sakin.
"N-ngayon na ang balik nila nerdy diba?"
Tanong ko na nag iwas pa sa tingin niya. Mukhang mali pala yung choice na tinanong ko pa yun dahil nag simula na naman ang mapangasar na mukha ni Sari."Ikaw ha... mukhang okay ka na nga."
Natatawang sabi nya. Hindi ko naman nakuha agad ang point nya."What are you talking about?"
"Hahaha. Wala!"
Inirapan ko na lang sya. Hindi talaga ko mapakali. Feeling ko anytime bigla na lang susulpot si Nerdy at hindi ko malaman kung bakit kinakabahan ako.
"Hoy! Wag ka ngang masyadong kabado dyan! Hahahah! Hindi ka naman kakainin nun eh!"
Si Sari na tawa na naman ng tawa."Ano bang nakakatawa?!"
Inis na tanong ko pero tumawa lang sya ng mas malakas.
"Isa pang tawa mo bibigwasan kita!"
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...