ASTRID
"Sino ka para pag tangkaan ang buhay nya? Pasensyahan na lang tayo."
Malamig na sabi nya at malakas na napatili ako ng mas hinigpitan pa ni Nerdy ang kapit nya sa patalim at hinila nya ito palapit sa kanya kasama ang tila gulat ding taong yun at malakas na tinuhod ni nerdy ang sikmura nito. Hindi pa nakuntento si Nerdy at gamit ang duguang kamay ay kinapitan nya ito sa braso at malakas na sinipa sa dibdib. Tumalsik ito sa sahig at halatang namimilipit sa sakit."Bakit parang natatakot kana? Nag sisimula pa lang tayo."
Sabi pa ni nerdy na humahakbang palapit sa namimilipit na bultong sinipa nya kanina. Muli akong napasigaw ng makita ang pagsugod sa kanya ng binalian nya ng kamay pero halos mapatakip ako sa bibig ko sa gulat ng baliin ni Nerdy ang kabilang braso nito gamit ang siko nya. Bumagsak ito sa tabi ng kasama nya na agad naman syang dinaluhan.Tarantang napatayo ako ng makita ang pag pulot ni nerdy sa isang kutsilyong malapit lang sa kanila.
"Gusto ko talaga ang mga dugo... pero mas gusto kong makita ang magiging kulay ng dugo nyong dalawa."
"Leighton!!!"
Napaatras ako takip ang bibig ko sa sobrang gulat.
Tumayo sya hawak parin ang kutsilyong may tumutulo pang dugo. Umikot sya paharap sakin na may ilan pang talsik ng dugo sa mukha. Lumapit sya sakin na may ngisi sa labi.
"B-bakit mo... b-bakit mo sila pinatay?!"
Galit na sigaw ko sa kanya pero nanatili lang syang nakangiti na para bang tuwang tuwa sya sa ginawa nya."Dahil gusto ka nilang patayin."
"P-pero... pero hindi mo na sila dapat pinatay! Sana... dapat pinakulong nalang natin sila!"
"Wala namang thrill kapag ganun."
Hindi ako nakasagot at nanatili lang akong nakatitig sa kanya.
Ang mga ngisi nya...
Nakakatakot..
Nakakapangilabot.
"Hindi ko hahayaang mapatay ka nila... hindi kahit kailan."
Napalunok ako ng hawakan nya ang pisngi ko.
'Napakainit ng kamay nya..'
Nakatitig lang ako sa mga mata nya at hindi ko alam kung bakit sa kabila ng nakakakilig na sinabi nya ay hindi ko magawang maging masaya, nanatili lang akong nakatitig sa mga mata nya.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
أدب المراهقين"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...