117

2.5K 103 32
                                    

LEIGHTON

"But i wont."

Nabalot ng katahimikan dahil sa sinabi ko. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya at hindi ko alam kung bakit naiinis akong makita ang lungkot sa mga mata nya.

"Ayoko—"

Nahinto ako ng bigla syang tumayo. Lahat kami napatingin sa kanya at nagsalubong ang kilay ko ng makita ang pagngiti nya kay Nixon.

"About your proposal, sorry its a no. Hindi mo dapat tinatanong ng basta basta na lang ang isang babae. Marriage is sacred kaya dapat hindi gawing biro ang kasal. Baka may masaktan ka."
Nakangiting sabi nya at alam ko na ang ibig sabihin ng tingin nyang yun.

"Mag papahinga na ko. Thanks for this day."
Sabi nya at lalong nangunot ang noo ko ng tuluyan na nga syang umalis. Gusto pa nga syang tulungan ni Claude pero tinanggihan nya to.

"Hermana look what youve done! You hurt her!"
Galit na lapit sakin ni Claude pero hindi ko sya pinansin kaya naman galit na tumakbo sya pababa ng yate.

Tumayo ako at bumaling kay Nixon.

"Why did you do that?"
Seryosong tanong ko.

"Why did YOU do that?"
Tanong nya pabalik.
"You hurt her feelings. You shouldn't say that to her."

"So you expect me to lie?"
Seryoso paring tanong ko. Nakasunod lang ako sa galaw nya. Tumayo sya at ngumiti sakin.

"Its just a joke. Dont worry. Hindi ako mag mamahal maliban sa inyo."
Sabi nya tyaka tinap ang balikat ko.
"Susundan ko lang si Claude."
Sabi pa nya at tuluyan ng sumunod kay Claude.

"Nasaktan mo sya."
Malungkot na sabi ni Kim na tumayo na rin at malungkot na bumaling sakin.

"So what?"

"Dyan kaba masaya? Sa tuwing may nasasaktan ba kayo dun kayo sumasaya? Sana sinabi mo nang maayos hindi yung pinahiya mo yung tao."
Sabi nya bago ako tinalikuran.

'Ano bang mga problema nila?!'

Sa susunod na tatalikuran nila ko ng hindi tinatapos ang sasabihin ko, tatamaan talaga sila sakin!

"Liv, may nangyare ba?"
Tanong ni Mang Tino ng magkita kami sa tapat ng hotel.

"Bakit?"

"Eh para kaseng galit si Claude na pumasok sa loob at si Ash naman ay nakita ko doon papunta. Hindi bat may bali pa ang paa nun?"

"Hayaan nyo sya."

"O-osige. Pero kase madilim na kaya—"

"Babalik din yun."
Putol ko sa sasabihin nya.

"S-sige. Pakisabi na lang kay Nixon na nauna na ako ha. Bukas ay pupunta ako dito para ihatid kayo sa airport."

"Wala ba sya sa loob?"

"Wala nga eh. Baka may inaasikaso."

"Sige ho."
Sabi ko na lang at pinanood na syang mag lakad palayo.

'Tss. Ang daming arte ng mga tao!'

Napatingin ako sa tinuro ni Mang Tino at hindi ko alam kung bakit heto at nag lalakad ako sa daang tinuro nya.

Hindi pa ko nakakalayo sa hotel ay nakita ko na syang nakaupo sa buhangin at tila may kausap. Bahagya akong lumapit at pinanood lang sya mula sa likuran nya.

"Sinubukan ko lang naman eh..."
Sumisinghot na sabi nya.

'Dont tell me umiiyak sya?!'

"Hayy! Hayaan mo na nga."

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon