ASTRID
Matapos nung huli naming paghaharap ni nerdy ay hindi na yun nasundan pa ulit. Mabuti na rin yun dahil nakakapag pahinga ako dahil wala akong dapat isipin. Natapos ang buong klase na wala namang masyadong ganap. Katulad ng dati ay sinundo ako ni Ryker at hinatid pauwi. Hindi na kami nakapag bonding dahil marami daw syang aasikasuhin.
Naabutan ko naman si kuya na nasa sala at busy sa pag aaral. Ang daming makakapal na libro sa mesa nya at talagang tutok sa harap ng laptop nya. May mga notebooks din at ilang mga folders.
"Oh, your here."
Tumayo sya at lumapit sakin.
"How's your day?"
Tanong nya matapos akong halikan sa noo. Yeah, ganito sya ka sweet.
"Bumagsak ka na naman sa Math mo ah."
"What? Anong bumagsak?"
Hindi pa nga kami nag eexam eh, tapos bagsak na ko agad.
"Sabi nang instructor nyo kay dad, bagsak ka daw sa seatwork nya."
Sabi nya at muling nag lakad pabalik sa pwesto nya kanina.
"At talagang, kayo ang unang sinabihan ah."
Kaasar naman yun si Miss. Pwede bang ako muna ang kausapin nya.
"Mag focus ka kase."
Sabi nya habang nakatuon parin ang pansin sa mga librong nasa harap nya.
"Nagpo focus naman ako ah. Tyaka seatwork lang yun. Ang OA talagang mag sumbong ni Miss"
"Dry, grade 10 kana. Bawat activiting ginagawa nyo mahalaga."
Huminto sya at tumingin sakin.
"Basic pa nga lang yang ginagawa nyo eh what more kung nasa grade 11 kana?"
Seryosong sabi nya.
"Eh bakit ba kase kailangan pang pag aralan yun eh. Hindi ko naman magagamit yun sa pang araw araw."
Pag mamaktol ko.
"Hanggat nag aaral ka, kailangan mo yang pag aralan dahil ikaw din ang kawawa. Edi pag graduate mo, tyaka mo kalimutan lahat. But believe me, kailangan mo ang lahat ng yan kaya mag aral kang mabuti"
Pangangaral nya sakin.
"Sabi mo eh."
Bumuntong hininga ako at sinandal ang ulo ko sa sofa. Ayoko ng makipagtalo sa kanya dahil alam ko namang kahit kailan, hindi ako mananalo sa kanya.
"Hindi man ako matalino, alam ko namang kaya kong pumasa."
"Pinag daanan ko din naman yan, kaya alam kong nakakatamad at mahirap talaga ang math pero hindi naman ako ang makikinabang kung pag bubutihin mo ang pag aaral mo, ikaw din ang makikinabang."
Hindi ko na lang sya sinagot at nakatingin lang sa kisame.
"By the way, kumusta naman kayo nung binubully mo? Nako Astrid Landry, ngayon palang tigilan mo na yan. Kapag nalaman yan ni dad, sige ikaw din, nako ewan ko lang kung anong mangyayare sayo."
Napairap naman ako sa inis ng ipaalala nya pa ang babaeng yun.
"Hindi mo kase sya nakikita kaya hindi mo ko maiintindihan. Nako, sinasabi ko sayo kuya, isang tingin pa lang kukulo na agad ang dugo mo sa kanya."
Bahagya syang tumawa.
"Baka naman OA ka lang talaga."
"Ako pa ang OA? Sya tong OA makatingin. Wala na nga akong ginagawa ang sama pa kung tumingin."

BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Fiksi Remaja"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...