AJ
"Girl okay ka lang?"
Halos pare pareho lang kami ng mga tanong nang makalapit samin si Leigh. Tumango lang sya at umupo na sa harap ko.
"Pupuntahan kana sana namin kaso mukhang yakang yaka mo naman so hindi na kami go mora."
Paliwanag ni Jay.
"Sino ba kase yung bruhang yun?"
Kunot noong tanong ni Kim.
"The famous campus bully"
Nakangiwing sabi ni Jay
"Famous sila dito sa campus, kahit nga sa college building, kilala sila lalo na at magaganda na, talented pa at higit sa lahat mga bigatin"
Lahat sila ay nakatingin sakin lalo na ang dalawa. Palibhasa at mga transferry.
"Pare pareho silang mga anak at apo ng mga stockholders ng ZIPS at lolo ni Astrid ang pinaka may ari ng school. Sya din ang nag iisang babaeng anak ng dean. Marami pa rin silang business maliban dito sa ZIPS kaya talagang napaka yaman nila"
Paliwanag ko habang nag papalipat lipat ang tingin kay Kim at Leigh.
"Sila din ang Campus Princesses at varsity ng ZIPS pagdating sa volleyball. Madalas sila din ang lumalaban sa mga quiz bee."
Pag mamalaking sabi ni Jay.
"Ah, kaya. Kaya naman pala ganun."
Napakunot noo naman kami kay Kim.
"Kaya naman pala kung umasta ay reyna, dahil may ipagmamalaki naman pala. Mga spoiled brat naman pala. Tss. Kawawa naman sila siguroy mga walang magawa yan sa buhay kaya nangaabala ng buhay ng iba."
Nakasimangot na sabi ni Kim.
"Nako. Mabait naman talaga sila. Hindi naman sila yung tipikal na bully. Sa totoo lang ay halos lahat ng estudyante gusto sila dahil nga kahit mayayaman at sikat ay mababait sa tao. Madaling i approach at matulungin"
Paliwanag ni Amya na tila isang malaking biro kay Kim.
"Talaga lang ha, Amya. Hindi ko kase feel."
Hindi na ako sumagot sa kanila at tumingin kay Leigh na hindi man lang nag sasalita.
"Okay ka lang ba?"
Katulad ng dati, hindi sya sumagot at tumango lang.
"Pasensya na ha. Siguro may sumpong na naman yun kaya nang bubully na naman. Unang linggo palang pero, ang panget na siguro ng impression mo sa school namin"
Nahihiyang sabi ko.
"Nako. Wala lang yan kay Leigh. Bored pa nga yan eh. Hahaha mahilig yan sa action at ito? Wala lang to."
Natatawang sabi ni Kim.
"Gusto nyo ba, pumunta na lang tayo kay dean. Kahit naman kase anak nya si Astrid, hindi nya ito kinukunsinti. Pwede naman kaming maging witness."
Suhestiyon ni Amya.
"Nako. Ang witty mo dun girl. Oo nga."
Pag sangayon ko naman sa kanya.
"Hindi na kailangan. Mas lalo lang nya kong pag iinitan pag ginawa natin to."
Seryosong sabi ni Leigh at inayos ang salamin na soot.
'Napakaseryoso talaga nitong baklang to. Nakakatakot biruin'
"Oo nga. Nako. Parang yun lang. Sisiw lang to kay Leigh. Para lang syang nakikipag laro sa bata"
Parang wala lang na sabi ni Kim.
After namin mag lunch ay bumalik na rin naman kami sa room namin. Hindi ko talaga maiwasang bumibilib sa dalawang bakla. Nung una, akala ko si Leigh lang ang witty pero si Kim din pala. Well, matalino rin namang ang dyosang baklang kausap nyo pero hindi kaseng galing nila. Kung ire rate out of 10. Nasa 5 lang ako habang sila baka 20 na. Marami din namang matatalino dito sa campus, syempre international school to, kaso sila lang talaga ang na encounter kong ganito ka witty.
"Aj"
Tawag sakin ng isang estudyante.
"May meeting daw lahat ng Council officers."
"Ah sige. Salamat"
Nag paalam lang ako sa mga kaibigan ko at umalis na. Pumunta ako sa student council office. Bawat club kase dito ay may mga sariling office. Kumatok na ako at pumasok. Nahiya naman ako ng makitang ako na lang ang kulang. Umupo ako sa tabi ni Caroline, ang president.
"So, since were complete. Lets start."
Anunsyo ni Ramon, ang Vice.
"Wait. Wala pa si Mr. Flojo. May kailangan daw syang iannounce."
Tumango na lang kami kay Caroline. Hindi rin naman nag tagal ay dumating na si Mr. Flojo, ang sports coordinator.
"Lets start."
Bilang secretary, syempre kailangan isulat ko lahat ng mga pag mi meetingan. Iba kase ang sistema ng botohan ng officers ng student council. Dito sa ZIPS, kailangan bago matapos ang school year ay meron ng nakahalal na mga bagong officer. First week pa lang ng march nag eelect na para pag pasok ng bagong taon ay ayos na ang lahat.
"So may question ba regarding sa ilang changes sa sched natin?"
Tanong ni Caroline. Umiling naman kaming lahat.
"Okay. Second agenda, regarding sa sports fest natin."
Panimula ni Caroline. Bahagya pa kaming na excite ng marinig ang tungkol sa sport fest. Ito kase talaga ang isa sa inaabangan ng lahat maliban sa acquaintance party.
"Halos wala namang changes. Same parin dati. Pero may konting dagdag lang. Sir."
Tumango sa kanya si Mr. Flojo.
"Okay, officers. Same sports parin ang lalaruin natin pero bago mag start ang pasukan nag meeting lahat ng sports coordinator together with the deans from different schools at sa huli, na aprubahan ang pag dagdag ng ilang sports tulad ng archery, skateboarding at bowling."
"What? Eh sir, pano yun? Billiard pa nga lang na dinagdag nila last 3 years, hirap na hirap na tayo tapos nag dagdag pa sila ng mga kakaibang sports."
Singit ni Mark, ang treasurer.
"Hindi ba tayo ma didisqualify nyan? Last year, kung sino na lang hinatak natin para sa billiards, makapaglaro lang tayo tapos, may dagdag pa."
Napatango naman ako sa sinabi ni Ramon.
"Okay, listen. Hindi naman magiging problema ang mga dagdag na sports dahil marami naman tayong estudyanteng magaling sa mga ganun. Ang challenge lang natin dito ay ang billiards at ang archery na parehong may womens edition."
Nako. Problema nga ito.
"Kaya nga ngayon palang kailangan na nating mag handa. Kailangan na nating mag hanap ng mga players na qualify. Isasama din natin sa sport fest ang mga sport na nadagdag para naman maging dagdag training din yun. Sa August ang sport fest at alam nyo namang after nun, ICAM na. We only have a short period of time to prepare. So i need your cooperation para makapag laro ang ZIPS."
Ramdam ko ang kaba ng lahat. Sino ba namang hindi eh nanganganib na naman ang ZIPS. Mahigpit kase ang rules and regulation sa sports. Kailangan lahat ng events, may representative ang bawat school dahil kahit isa lang ang wala laglag na to agad at hindi na makakasali sa lahat ng events.
"Bakit hindi na lang ulit tayo, humila ng babaeng mag lalaro sa billiards at archery, kahit hindi sila marunong?"
Suwestiyon ni Perry.
"Pwede naman kaso, meron pabang papayag na mapahiya sa harap ng maraming tao. Last time halos mag walk out ang nilagay natin sa billiard sa sobrang hiya. Sino ba namang sira ang papayag na tumayo dun at mag kalat lang?"
May point naman si Caroline. Kaso, Sino naman kaya ang babaeng mag lalaro ng panlalaking laro? Tss. Dagdag isipin naman to.
❤️JeyEmMen❤️
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Ficção Adolescente"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...