ASTRID
Kahit parang lutang parin dahil sa mga nangyare ay nagawa ko namang makatulog ng payapa kaya naman payapa din ang naging umaga ko.
Pagkagising ko ay dumeretso na ako sa banyo at naligo.
Dala na rin siguro ng excitement dahil nga ngayon na lang ulit ako makakapag practice ay masaya akong bumababa.
"Good morning!"
Nakangiting bati ko kay Nay Lorna.'Himala! Wala pa si Kuya?'
"Good morning din sayo hija. Ang aga mo naman yata?"
"May practice po kase kami ngayon. Si Kuya po?"
"Ayun, tulog pa. Matapos nyong kausapin ang daddy nyo eh halos buong gabi naman silang nag usap ng nobya niya."
Oo nga pala. Kagabi, pumunta si dad dito sa bahay at muling naungkat ang nangyare nung hinarang ako ng mga binayaran ni Drummer. Galit na galit si kuya nang malaman nya at todo alala naman si Nay Lorna. Akala ko nga hindi na matatapos ang diskusyunan dahil pinipilit nilang magkaron daw ako ng bodyguard para mabantayan pero syempre hindi ako pumayag. Sa huli wala na rin akong nagawa at pumayag na rin na si Mang Kanor na ang laging mag hahatid sakin. Hindi ko rin sila masisi dahil talaga namang nakakatakot ang muntik ng nangyare sakin. Mabuti na lang at hindi detalyado ang naging kuwento ni Nerdy kundi baka hindi ko na sila napilit.
"Mauna ka ng kumain hija at mamaya na ko."
"Okay po."
Binilisan ko ng kumain at matapos gawin ang dapat gawin ay pumasok na rin ako.
Napatingin ako sa ospital na nadaanan namin at parang may humahatak sakin pabalik sa don. Siguro dahil sa nag aalala din ako sa sitwasyon ni Kim. Kahit naman hindi kami close nag aalala parin ako sa kanya.
"Wala namang masama kung titignan ko sya diba?!"
Pag kausap ko sa sarili ko."Ano yun hija? May sinasabi ka?"
Nawala sa isip ko na kasama ko nga pala si Mang Kanor."B-balik po muna tayo sa hospital... m-may bibisitahin lang po ako."
Nag U-turn kami at agad pumarada sa harap ng hospital.
"Okay lang po bang dito nyo na lang ako hintayin?"
"Oo naman.."
Nakangiting sabi ni Mang Kanor kaya pumasok na ko sa loob."Anong room ni Miss Kimora Haittee?"
Nakangiti kong tanong sa nurse na nasa station."Room 213 Maam. Sa second floor"
"Thanks."
"Welcome ma'am."
Nag lakad na ko sa hallway habang hinahanap ang room ni Kim.
"213... 213... sana nag pasama na lang ako! Ayun! Sa wakas!"
Mahinang sabi ko at tyaka nag lakad papunta sa harap ng room. Huminto muna ako sa harap ng pinto at binasa ang nakasulat.'Room nga nya to.'
Kumatok muna ako pero walang nagbukas. Kumatok ulit ako dahil baka hindi lang nila narinig pero naka ilang ulit na ko wala paring nag bubukas.
"Pumasok ka. bukas yan."
"Ay butiki!"
Napalingon ako sa likod ko at nandon si Nixon.
"S-sorry. N-nagulat lang ako."Hindi sya nakangiti pero hindi rin sya seryoso. Hindi rin naman sya mukhang galit. Parang normal lang. Lumapit sya at sya na ang nag bukas ng pinto.
"Come in."
"S-sige."
Sabi ko tyaka pumasok. Sumunod naman sya sakin at binuksan ang ilaw. Si Kim agad ang napansin ko. Nakahiga sya sa kama na parang natutulog lang, may benda sa ulo nya at nakaoxygen pa sya. May kung ano ano ding nakakabit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...