097

2K 71 5
                                    

LEIGHTON

"Mga bakla, tara na! Gutom na ko!"
Maarteng sigaw samin ni Aj.

"Grabe bakla! Ang gwapo talaga nung kapatid mo! Kapatid mo ba talaga yun?!"
Si Jay.

"Ano ba! Ano namang tingin mo kay Leigh?! Panget?!"
Si Amya.

"Maganda naman sya. Sadyang mas maganda lang ako."
Si Jay

"Nako! Ang assumerang bakla! Nananaginip na naman!"
Si Aj

"Nako! Ang pekielamerang bakla! Panget din naman!"
Si Jay.

"Hoy! Mas panget ka!"

"Higit na panget ka!"

Napapikit na lang ako sa sorbang inis. Kanina pa sila nag iingay at talagang naririndi na ko sa mga boses nila. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon kinakausap nila ko. Dapat ngayon galit na sila dahil sa mga sinabi ko pero mukhang kakaiba ang utak ng mga taong to. Hindi ko na alam kung pano pa sila palalayuin sakin.

Kanina hindi ko inaasahan na bigla na lang silang tatakbo palapit sakin. Nagulat pa ko ng bigla akong niyakap ni Amya. Bukod kay Cadence at kay Nixon, wala ng ibang yumakap sakin kaya hindi ko inaasahang yayakapin ako ng isang ordinaryong tao. Nakakalito ang mga inaasta nila, dapat galit sila pero masaya pa sila, dapat hindi nila ko kinakausap pero todo kuwento at tanong sila kahit hindi ko naman sinasagot, dapat wala na silang pake sakin pero heto at kabaligtaran ang nangyare.

'Ganun ba talaga kagulo ang emosyon ng tao? O ganun ang normal na emosyon ng tao?'

"Tumahimik na nga kayo! Pareho naman kayong panget! Hahahahha!"
Si Kim na pangasar na tumawa pa.

"Hoy, bakla! Di hamak na mas maganda kami sayo no!"

"Wew!"

"Wag na nga kayong maingay! Lagot kayo kay Leigh!"
Si Amya na nginitian ako. Kakaiba talaga ang mga ngiti nya. Nakakahawa.

"Hoy! Baklang puro pasabog ang buhay! Pambihira ka! Legit bang kauri ka namin?!"
Si Jay.

"Hahahaha! Gago! Anong kauri?!"
Si Kim.

"Ano ba yan bakla! Na suspended lang boba na?! Diba?! Jowakels pala nyang baklang yan si Cadence?!"

"Oo nga! Kaloka yun! Nung una akala namin jowa mo si papa Nixon tapos mas nakakaloka pa pala na malamang naging kayo ni Cadence!"

"Hahaha! Ayaw nyo yun?! May bago kayong recruit sa grupo nyo!"
Si Kim.

"Anong bago?! Ex na nga nya si Cadence so dati pa no!"
Si Jay.

"Pero Leigh, ano ka? I mean, diba merong lesbian, may bisexual, so ano ka dun?"
Si Aj.

Pare pareho naman silang nakatingin sakin, nag hihintay ng sagot ko.

"Wala."

"Kaloka! Ang tagal bago mag salita wala naman palang kuwenta ang sagot!"
Si Jay.

"Hayaan nyo na nga lang si Leigh. Kayo talaga!"
Si Amya at muli akong napangiti sa kanya dahil sa mga ngiti nya.

Nakarating na kami sa Canteen at hindi parin sila tumitigil sa mga ingay nila katulad ng mga bulungan ng mga estudyante patungkol sakin.

"Gosh! Lesbian pala sya?!"

"Oo nga! Nakakagulat naman!"

"Kaya pala ganun ang ugali nya!"

"Kung umasta sya para syang lalaki! Look at her! Para syang lalaki kumilos!"

"Gosh! Nakakadiri naman siya!"

"Pero infairness, lalong nakakaastig ang pagiging lesbian nya!"

"Balita ko kaya daw sya bumagsak sa QIS dahil sa nangyare sa kanila nila Brent at Cadence!"

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon