105

1.7K 82 0
                                    

LEIGHTON

"Saan mo ba balak magpunta?"
Inip ng tanong ko dahil nakarating na kami sa parking lot wala parin syang imik.

"S-sa... sa puntod ni pappy."
Nakangiti nyang sabi at muling nag patuloy sa pag lalakad.

Hindi na lang ako umimik at sumunod na lang sa kanya.

'Ano na naman kayang drama nito?'

Nakarating na kami sa tapat ng kotse nya at hindi ko maiwasang magtaka sa ginawa nya. Pinag buksan nya ko ng pinto at nakangiting tumingin sakin.

"Careful maam, baka mauntog ka."
Nakangiting sabi nya. Saglit ko pa syang tinignan at walang imik na pumasok na lang ako.

Nag simula na syang mag maneho pero tinuon ko na lang ang pansin ko sa labas ng bintana.

"Lets play a music."
Sabi nya pero hindi ko na sya nilingon.

Collide
by Howie Day

The dawn is breaking
A light shining through
You're barely waking
And I'm tangled up in you
Yeah
But I'm open, you're closed
Where I follow, you'll go
I worry I won't see your face
Light up again
Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seem to rhyme
Out of the doubt that fills my mind
I somehow find, you and I collide

"I remember this song."
Maya maya ay sabi nya. Kahit hindi ko sya tignan, sa tono palang nya alam kong nakangiti sya.
"That was the song you used to sing for me. Naaalala ko pa yung time na yun. Yun yung time na nasa pad ko tayo. Dahil wala tayong magawa, naisipan mo na lang na kantahan ako kahit na hindi ka ganun ka galing kumanta. Hahahaha! Yun yung time na pumiyok kapa! Hahahah! Naalala mo paba?"

'Naalala? Lahat naman ng nangyare sa pagitan natin naaalala ko.'

Gusto ko yang sabihin pero para saan pa? Masyado ng magulo ang samin ngayon, ayoko ng dagdagan.

Nung time na yun, don ko naramdaman na normal pa pala ako, na pwede rin pala akong maging tulad  ng iba. Yung pwedeng mag saya, tumawa,... at mag mahal. Sya lang ang taong minahal ko kaya pano ko makakalimutan ang mga bagay na ginawa namin ng mag kasama?

"Nga pala, kinakamusta ka ulit sakin ni grandma. Namimiss kana daw nya. Pinagalitan pa ko nun kase hindi daw ata kita pinapapunta. Namimiss na daw nya ang mga kuwentong misteryo mo."

Si grandma at si pappy. Maliban kay pops, dad, Nixon at Claude, silang dalawa ang nag paramdam sakin ng pakiramdam ng isang pamilya. Tinanggap nila ko sa kabila ng pagiging pareho naming babae ni Cadence, tinanggap nila ang pagiging kakaiba ko at tinanggap nila pati ang nakaraan ko. Sa kanila ko naramdaman yung luwag sa dibdib dahil sa pagsabi ng lihim. Sa kanila ko nasasabi kung anong totoo kong nararamdaman at sila lang ang tumanggap sakin ng kung sino ako.

"Liv..."
Mahinang tawag sakin ni Cadence. Hindi parin ako umimik at nanatili lang ang tingin sa kawalan.
"She missed you so much. And.. i missed you too."

Kasabay ng pagkakasabi nya ang paghinto ng kotse sa loob ng sementeryo. Nilingon ko lang sya at sandaling tinignan bago naunang lumabas ng kotse.

'Bakit ba kailangan pa nyang gawing kumplekado ang lahat?'

"Sige una kana. May kukunin lang ako."
Nakangiting sabi nya pero nanatili akong nakatayo. Pumunta sya sa likod ng kotse nya at nangunot ang noo ko ng ilabas nya ang isang malaking basket.

"Ano yan?"

"Ah.. hahaha. Nag dala lang ako ng konting pag kain. Dont worry konti lang to at mga paborito mo pa!"
Nakangiti nyang sabi. Hindi na ako sumagot at sa halip ay lumapit ako sa kanya ay inagaw ang basket para bitbitin.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon