160

2.1K 96 29
                                    

160

**********

ASTRID

Hindi kalayuan ang entrance sa kinatatayuan ko kaya naman sigurado akong kitang kita ko na sila Nerdy at Cadence ang mag kasama ngayon.

'Pero bakit na nman sila mag kasama?!'

Hindi ko mapigilang mainis lalo na ng sa wakas ay mapansin na ko ni Nerdy pero ang pinaka kinaiinis ko ay parang wala lang sa kanya na nakikita ko silang dalawa!

Pigil ang inis na nag lakad ako palapit sa kanila. Bawat hakbang ko ay palakas na ng palakas ang naririnig ko.

"Bawal ba talaga? Gusto ko talagang maging katulad mo sya! Syempre yung ibang cool traits mo lang pero hindi yung pakikipag basag ulo! Hahaha!"

"Bakit ngayon ka lang?"
Seryosong tanong nya sakin na tila hindi na pinansin ang mga sinabi ni Cadence.

Gulat namang tumingin sakin si Cadence at hindi ko maiwasang ipakita sa kanya ang inis ko.

"Napaka tagal mo."
Sabi pa ng seryosong si Nerdy pero tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Mukhang hindi ka naman nainip eh."
Sabi ko na hindi na naitago ang pag tataray sa kanya tyaka nilingon si Cadence.
"Great. Nakakapag lakad kana pala?"
Sarkastikong sabi ko kaya napapahiyang ngumiti sya.

"Y-yeah... k-kaya ko naman na kaso sumasakit lang ang buong katawan ko."

'Oo nga pala. Nabugbog pala sya ng ssobra tanging tiyan nya lang ang prinotektahan nya. Tch!'

"Really? Pero mukha naman kayong walang inindang sakit."
Sarkastikong sabi ko na lang tyka sila tinignan.

Naiilang na lumingon si Cadence kay Nerdy pero salubong lang ang kilay nito sakin.

'Bulagin ko kaya to! Tch.'

"D-dont tell me nag seselos ka?"
Parang gulat na tanong ni Cadence na natatawa pa.
"Ash... mag kakababy na kami ng kuya mo. And besides were just talking. Hindi ka parin ba tapos sa pag seselos mo?"

"Hanggat hindi natatapos ang pag dikit mo sa kanya hindi matatapos to!"
Deretsong sagot ko na ikinagulat nya.
"Kung puwede ko lang pigilan ang selos na to sa tingin mo hahayaan kong humarap sayo ngayon... n-na ganito ka pathetic?! Tch! Tara na nga! May saksak ka! Kakatahi lang nyan kaya dapat nag papahinga ka!"
Inis na baling ko kay Nerdy.

Tumayo naman ito na hindi binabali ang tingin sakin tyaka bumaling kay Cadence.

"Sumama kana. Delikado dito."

"Tirik na tirik ang araw no."
Bulong ko na ikinalingon sakin ni Nerdy pero inirapan ko lang sya.

"Ayos lang ako. Mag papahangin na muna ako."
Nakangiting sabi nya at tinanguan naman sya ni nerdy.

"Ako na dito!"
Sabi ko na inagaw sa kanya ang stand.

Sabay kaming nag lakad papasok ng ospital pero sinasadya kong unahan sya.

Ayokong isipin nya na nagiging inconsiderate ako at lalong ayokong isipin nya na hindi ko sya naiintindihan.

Gusto kong intindihin na kahit anong gawin kong pigil, kahit anong gawin kong pag layo sa kanya kay Cadence, mag lalapit at mag lalapit sila lalo pat naging malakinh bahagi ng alaala nila ang isat isa.

Pero pano naman ako?! Hindi ko talaga mapigil na sa tuwing mag titinginan palang sila o yung ideya na nasa iisang lugar sila sobrang selos na selos na ko!

'Damn this jealousy! Bakit kase kailangan pang mauso eh!'

"Galit kaba?"
Biglang tanong nya saktong paglabas namin ng elevator.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon