ASTRID
"Hoy, Ash. Tulaleys lang?"
Inirapan ko lang si Sari at hindi sya pinansin. Hanggang ngayon nabubuwisit parin ako tuwing maaalala ko kung pano ako pinahiya ng alien nayun.
"Hoy!"
Panggugulat ni Sari.
"Ano ba?! Isa pa tignan mo sasapakin na kita"
Inis na bulyaw ko sa kanya. Pa epal kase masyado.
"Ay. Ang shunget. Hahaha"
"Sari. Wag mo ng inisin lalo yan. Sige ka, baka makalbo ka bigla."
Pananakot ni Zay sa kanya.
"Nga pala. Nakasalubong ko si Joan kanina, may announcement daw lahat bukas sa gym."
Sabi ni Zay habang nakatingin lang sa kuko nya.
"Anong oras daw?"
Tanong sa kanya ni Sari.
"7 daw. After ng flag ceremony."
"Tungkol saan naman kaya yun?"
Nakangusong tanong ni Sari.
"I dunno."
Kibit balikat namang sabi ni Zay.
"Hi ladies"
Biglang lumiwanag ang mukha ko at automatic na ngumiti ang mga labi ko.
"Oh my god. Ang gwapo talaga nya!"
"Waaahhh sana ako na lang si Astrid!"
"Oh my god, oh my god. I think im gonna die. Waahhhh!"
"Papa Ryker, pa kiss!"
Napairap na lang ako sa hangin.
"Wazzup bro"
Bati sa kanya ni Zay.
"Hi Ryk" (Rayk)
bati naman ni Sari at nag beso sila.
"Hi beautiful."
Kinilig naman ako pero hindi ko pinahalata sa kanya.
"Hi handsome."
Bati ko at umupo sya sa tabi ko.
"Nag lunch kana?"
Tanong nya.
'Hindi na kailangan, ikaw pa lang, ulam na'
Okay ang landi kona.
"Not yet. Ikaw ba?"
"Hindi pa din eh. Sabay tayo?"
Ngumiti ako sa kanya.
"Sure."
"What do you want?"
"Katulad na lang ng sayo."
"Ash, pano naman kami?"
Singit ni Sari kaya naman sinamaan ko lang sya ng tingin. Kahit kailan talaga. Panira to ng moment.
"Sabay ko na yung sa inyo. What do you want?"
"Kahit ano basta libre."
At umandar na naman po ang pagiging kuripot ni Sariyah.
"Ikaw din?"
Tumango lang si Zay at umalis na si Ryker.
"Buwisit ka talaga alam mo yun? Ang dami dami mong pera, dika bumili ng sayo!"
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...