009

2.6K 86 1
                                    

LEIGH

"Finally, your here."

Tila inip na bungad sakin ni Nixon nang makarating ako. Nasa parking lot kami dahil dito daw nya gustong makipag kita sabi ni Kim.

"Where are... what happened to your face?"

Gulat na tanong nya at tangka naman nya kong hahawakan sa pisngi ng umiwas ako. Na gets naman nya yun kaya nahihiyang tumayo sya ng tuwid.

"Ano bang importanteng bagay ang sasabihin mo?"

Sabi ko at umiwas na lang ng tingin. Alam kong marami syang tanong pero alam din nyang wala akong balak mag kwento.

"Here."

Inabot nya ang isang maliit na paperbag na base sa tatak ay cellphone ang laman pero tinignan ko lang ito. Nanatili ang kamay ko sa mga bulsa ko at  hindi ito inabot. Binalik ko naman ang tingin ko sa kanya.

"Thats it? I dont need that. Sige na. May klase pa ko."

Tumalikod na ko sa kanya at naglakad na paalis.

"Wait."

Hindi kona sya pinansin at nag tuloy na lang sa pag lalakad.

Hindi ko kailangan nun. Para saan pa ang cellphone eh si kim lang naman ang dapat kong kausapin. Isa pa. Ayoko nang tumanggap ng kahit ano mula sa kaniya.

Dumeretso na ako sa classroom pero katulad parin ng dati, bored na bored lang ako. Halos wala namang bago sa mga sinasabi ng instructor. Nakakatamad lang.

"Grabe, buti nakapasa ako sa quiz kanina. Nakakaloka si sir."

Masayang sabi ni Amya.

"Huy. Gaga. Ang dali dali kaya nun. Kaloka ka girl. Kahit grade 7 alam yun"

Puna naman sa kanya ni Jay.

"Ay we? Bakit parang wala naman kaming ganun nung grade 7 ako?"

Nilingon ko na lang sila at hindi nag salita. Medyo hirap nga sa klase si Amya pero nakakasagot naman sya, kaso minsan parang laging lutang. Parang ang dami nyang iniisip at minsan talagang tulala lang sa klase. Siguro kulang lang sya sa focus at inspirasyon.

"Uy, gurl, okay ka lang?"

Pagtapik sakin ni Aj. Tinanguan ko lang sya. Okay naman ako eh, ano bang problema nila?

Pare pareho naman kaming napatingin sa tatlong nag lalakad sa building na nasa harap namin.

"Grabe no, ang ganda talaga nila."

Humahangang sabi ni Amya.

"Mga maldita naman. Kawawa mga boyfriend nila. Walang future ang mga jowa nila."

Singit ni Kim.

"Nako sis, yung isa sa kanila, si Zay lesbian yun. May girlfriend  yun, hindi boyfriend"

Natatawang sabi ni Jay.

"Oh,? Yung mistisang inglesera? Akalain mo yun. Kaya pala maangas."

Biro ni Kim.

"Mababait naman yang mga yan."

Pagtatanggol ni Amya.

"Saang banda?"

Kunot noong tanong ko.

"Ganito yun. Una si Sariyah Hilton."

Tinuro ni Aj yung babaeng may maiksing buhok na hanggang balikat.

"Medyo makulit pero mabait talaga yan. Madalas sya pa ang tumutulong sa mga binubully ni Astrid. May pagka slow din yan kaya madalas hindi sila magkasundo ni Astrid. Pero nagiging seryoso sya pag dating sa mga kaibigan."

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon