Good evening/morning mga bebe.
Sobrang super sorry kase ngayon lang ako nag paramdam at napaka iksing update lang. Ngayon ko lang nagawa ang mga chapters na to at talagang pinilit kong makagawa para sa inyo kaya sana wag nyo kong isumpa 😖😭😭😭🙏🙏
Hindi na ko mag papaliwanag pa kung bakit ngayon lang pero sana mapatawad nyo ko 😅
Gracias 😘😘
************
154
**********
ASTRID
Naging mabilis ang mga pangyayare at hindi na namin namalayan at halos palibutan na kami ng mga kalalakihan na may mga takip ang kalahati ng mukha.
"Aghh!"
Napatingin ako kay Sari ng bigla syang dumaing kaya naman agad na napatakbo kami sa kanya ni Zay."A-anong masakit sayo?!"
"Sari, anong nararamdaman mo?"
Natataranta na kami ni Zay pero hirap na umiling lang sya samin. Inalalayan namin syang tumayo pero mas lalo kaming nataranta ng bigla syang bumagsak at mabuti na lang nasalo agad sya ni Zay.
"Sari!"
Halos sabay naming sigaw ni Zay."Pucha! Anong ginawa nyo sa kaibigan namin?!"
Sigaw ni Kim sa mga kalalakihang nasa harap nila nerdy."Pinatahimik lang namin. Masyado kase syang maingay."
Sabi nung isang nasa pinaka gitna."Sa tingin ko napuruhan sya ng salagin nya ang hampas na dapat sakin. Tangna!"
Rinig kong sabi ni Krimo habang sapo sapo ang tiyan at malamang kung wala ang kotseng sinasandalan nya baka tumumba na rin sya."Tss. Talagang babae pa ang sumabot ng palo para sayo."
Sarkastikong sabi ni Nixon na nasa harap namin at deretsong nakatingin sa mga lalaking nasa harap nila."Anong magagawa ko?! Pinag papalo na ko?!"
Inis na sagot lang ni Krimo.Napakuyom na lang ang kamao ko sa galit lalo na ng marinig ang malutong na tawa ng lalaking nasa gitna.
"Kung dadalhin nyo yan sa ospital baka maagapan payan. Pero kung gusto nyo pang makakita ng mas matindi pa dyan, kayo bahala."
"Kung ganun hahayaan nyong makaalis ang mga kasama namin?"
Agad akong napatingin kay Nerdy ng marinig ang seryosong boses nya.'Wag mo sabihing mag papaiwan sya?!'
"Hmm, pwede naman. Hindi naman kami ganun kasama. Tyaka dalawa lang kayo ng babaeng yan ang inutos samin kaya bakit naman hindi."
'S-si Cadence?! Bakit sila ni Cadence?!'
"Hindi! Ano ba tlagang kailangan nyo?! Kung pera lang then name it! Ibibigay ko!"
Matapang na sabi ni Kuya na humarang pa para ipag tanggol si Cadence.Hindi ko makita ang reaksyon nilang lima dahil nasa harap namin sila habang kami naman nila Kim ay nasa bandang likod at nakaalalay kay Sari. Si Ryker naman ay heto at tila naka protekta lang saming mga nasa likod.
"Hahahahha! Pasensya na bata! Pero may kahit ganito kami, may prinsipyo parin naman kami. First pay first serve! Hahahahha!"
"D-dodoblehin namin! Basta wala kayong sasaktan!"
Sigaw ni Ryker pero muli lang siyang tumawa."Hindi kaba makaintindi boy?! Bayad na kami! At yang dalawang yan ang kailangan namin!"
"K-kapag ba nanatili kami hahayaan nyo silang makaalis?!"

BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Jugendliteratur"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...