ASTRID
"Dry... anak, wake up.... Dry, honey... gising na."
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at kinusot ko pa ito sandali tyaka tumingin sa kanya. Bumungad sakin ang nakangiting si Mommy.
"Mom.."
"Ayos ka lang ba? Hindi ba masakit ang leeg mo?"
Nangunot ang noo ko. Napatingin ako sa paligid ko at tyaka ko lang naalalang nasa study room pala ako. Mabilis na nilingon jo ang pwesto kanina ni Nerdy pero nakapatay na ang computer. Tumayo ako at hinanap pa sya pero hindi ko sya nakita.
"Wheres nerdy?"
Kunot noong tanong ko."Nerdy?"
"I-i mean.. Leigh, wheres Leigh?"
Bakas parin ang taka sa mukha ni Mom pero nginitian ko na lang sya."Umuwi na sya kanina pa."
'That bitch! Talagang iniwan lang ako dito?!'
"Sabi nya ay gisingin daw kita kase kailangan mo pang mag review kase may quiz ka daw bukas."
"Seryoso po?"
"Ha? Oo naman. Sinabi nya yun bago sya umuwi. Kailangan mo pa daw kaseng mag review."
Si Mom na hindi mawala wala ang ngiti.
"Ang sweet pala ng batang yun. Abay pinagising kapa talaga.""Mom? Ano namang sweet dun?"
Tanong ko habang isa isa nang nililigpit ang mga nagkalat na libro. Pinag patong patong ko lang sa lamesa para hindi makalat.
"Ano ka ba naman anak, isipin mo, pinaalala nya pang gisingin ka para lang makapag review ka kase alam nyang kailangan mo. Ibig sabihin may concern sya sayo. Yiiieeh. Nakakakilig yun.""Mom?! Yuck! Pareho kaya kaming babae!"
"Hahaha. Alam ko naman yun. Sayang nga eh. Dapat lalaki na lang sya. Nako ang cute nyo sigurong couple."
Kinikilig na sabi ni mom."Mom. Kahit naging lalaki sya, hindi ko sya type no. Isa pa may Ryker na ko, remember?"
"O sya sya. Ano pa nga bang laban ko sayo. Sige na. Pumunta kana sa kwarto mo at baka magalit pa sakin si Leigh - honey kapag bumagsak ka bukas sa quiz nyo. Hahatiran na lang kita ng snacks mo. Ako ng bahala dyan."
'Kung ano ano talagang sinasabi nitong si Mom. Kinilabutan tuloy ako.'
Nag print muna ako ng copy ng presentation namin tyaka ko kinuha ang mga gamit ko at pumasok na sa kwarto. Nag hilamos muna ako para mawala ang antok ko tyaka naupo sa study table ko. Bigla naman akong nanlumo ng makita ang notebook at libro ko.
'Waahh!! I hate trigo! Bakit ba kase ang hilig magpahirap ng buhay ng math na to eh!'
Dahil wala naman akong choice, nag simula na lang akong mag basa. Kailangan kong maintindihan ang bawat formula. Ang bawat process kung pano nakukuha ang sagot.
I tried to focus but its so hard.
'What the heck is wrong with me?! Why does that Nerdy bitch is on my mind?!'
Kahit inis na inis ay sinubukan kong mag focus at patayin sa isip ko si Nerdy. Hindi dapata ko madistract lalo na at kung sya lang din naman! Patuloy ako sa pag aaral ng pumasok si mom at nag hatid lang ng pagkain. Ilang oras lang din ay natapos ko ng basahin ang magiging sakop ng quiz namin kaya naman pabagsak na nahiga ako sa kama. In my entire life, this is the first time that i missed my bed that much kaya naman mahigpit na niyakap ko ang unan ko.
*KNOCK! KNOCK!*
"Honey..."
"Mom?"
Inaatok na tawag ko. Bumukas ang pinto at pumasok si mom. Hindi naman ako nag bago ng posisyon dahil medyo inaantok na talaga ako.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Novela Juvenil"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...