ASTRID
"Ano bang nangyare?! Sinong gumawa nito kay Leigh?! Hoy! Astrid!"
Sunod sunod na tanong ni Kim pero hindi ko na sya mapagtuunan ng pansin dahil hindi na ko matigil sa kakaiyak sa sobrang pag aalala."Kim, calm down. Si Leigh muna ang intindihin natin."
Si Zay.
"Ash you also, calm down. Umupo ka muna.""Oo nga Ash. You need to calm down. Baka may mang yare pa sayo nyan eh."
Si Sari pero mas lalo lang akong naiyak.Gustong gusto ko ng pumasok sa loob ng ER pero sa tuwing susubukan ko ay pinipigilan nila ko.
'Kasalanan ko to... kung sana... kung sana hindi ako ganito kahina..'
Napaupo ako sa gilid ng pinto at tinago ang mukha sa dalawa kong kamay. Naramdaman ko ang dalawang kamay na kumapit sa balikat at braso ko.
"Ash... please stop crying... baka may mangyare pa sayo nyan eh."
"This is all my fault.."
Umiiyak na sabi ko."Ash, wala kang kasalanan. Ano kaba! Ikaw ba gumawa nun kay Leigh? Diba hindi? So wala kang kasalanan."
Nag angat ako ng mukha kay Sari."You dont understand. K-kung sana hindi ako naging mahina... kung sana hindi ako naging duwag..."
"Ash, Sari is right. This is not your fault."
Si Zay pero hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako mapakalma ng mga salita nila."Nixon!"
Narinig kong sabi ni Kim pero mas lalo ko lang tinago ang sarili ko sa mga tuhod ko at tahimik na umiyak.Mas lalo akong naiinis sa sarili ko. Nahihiya akong tignan silang lahat dahil maliban sa gulo gulo ang buhok ko ay wala nang ibang bakas ng karahasan sakin.
Hindi tulad nya...
Muli akong napaiyak at napayakap sa mga tuhod ko.
"Anong nangyare?! Kamusta na si Leigh?!"
"Hindi pa namin alam. Pero marami syang sugat."
"What?! Pano nangyare yun?! Ano ba talagang nangyare?!"
"Nixon, kumalma ka muna! H-hindi pa namin alam kase..."
"What happened?"
Rinig kong tanong ni Nixon at kahit hindi ko tignan ay alam kong malapit sya sakin at ako ang tinatanong nya.Hindi ako sumagot, mas humigpit lang ang yakap ko sa sarili ko at tahimik na umiyak.
"Were very sorry. We know that youre just concern about your sister but please... mamaya nyo na lang sya tanungin. Shes shocked and scared..."
'Thank you Zay... thank you talaga..'
Wala akong lakas ng loob na harapin sila... wala akong lakas ng loob na sagutin ang mga tanong nila.
"Doc!"
Mabilis na nag angat ako ng mukha ng marinig ang mga sigaw nilang yan. Mabilis na napatayo ako at hindi pinansin ang mga nag tatanong na mata ni Nixon."Dont worry the patient was stable now.. nawalan lang sya ng malay dahil sa sobrang pagod at puyat. Nawalan din sya ng maraming dugo dahil sa mga sugat nya na lalong nagpahina sa katawan nya but dont worry, shes okay now. She just need to rest."
Hindi ko na tinapos ang sinasabi ng doctor at mabilis na pumasok ako sa loob. Muling nag situluan ang mga luha ko ng makita syang natutulog sa kama nya.'Im happy youre fine...'
Gusto kong hawakan ang kamay nya pero hindi ko magawa dahil sa sobrang kahihiyan.
'Dahil sakin kaya sya nasaktan..
Dahil sakin kaya sya nandito ngayon..
Dahil sakin kaya sya muntik ng mapahamak..
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...