149
*********
ASTRID
Napabalikwas ako ng bangon at agad na tumingin sa orasan ko.
'Oh shit!!'
Six na and for sure nakaalis na sya!
Inis na sinabunutan ko ang sarili ko at nanlulumong napahiga ulit sa kama ko.
'Mahal na mahal kita Astrid.'
'Wahhhh! Nakakaasar talaga!'
Matapos ko kaseng marinig yun sa kanya ay parang lutang pa ang isip ko. Namalayan ko na lang ang sarili ko na umiiyak na pala ng sobra at hindi ko ata namalayang nakatulog ako.
Napayakap ako ng mahigpit sa unan ko at tinitigan ang mukha nya sa picture na nasa wallpaper ko.
Hindi ko namalayang napangiti na pala ako.
Ito yung kuha namin na kung saan nakahalik ako sa pisngi nya habang sya naman ay parang nagulat pa.
'Mahal na mahal din kita at kahit namimiss na kita... hihintayin kita.'
Sobrang gumaan talaga ang dibdib ko at parang nabura lahat ng pangamba sa puso ko kaya naman nakangiting bumangon ako at naligo.
Hindi ko parin magawang maging masaya ng buo kase hindi ko maiwasang isipin yung mga sinabi nya.
Kung mahal nya ko... bakit nya sinabi yun kay Cadence?
Nalilito na naman ako...
Gusto kong isipin na mahal nya talaga ako pero hindi ko parin maalis sa isip ko na posibleng mahal nya parin si Cadence.
'Selfish na kung selfish pero gusto ko ako na lang ang mahal nya.'
Lumabas ako ng banyo at mag bibihis na sana pero napansin ko ang isang paper bag na nasa side table ko kaya lumapit muna ako dito.
'B-bakit nya binalik?!'
Ito yung binili ko sa kanya, yung teddy bear na magkahating itim at puti.
'B-bakit iniwan nya to dito?! Ayaw na ba nya dito?! D-dahil ba bigay ko to?!'
Bumaba ako ng hagdan na bagsak ang mga balikat.
"Good morning Dry anak."
"Nay lorna!"
Gulat na sabi ko at dahil sa tuwa ay napatakbo pa ko palapit sa kanya at niyakap sya.
"Namiss ko po kayo!""Nako kang bata ka talaga..."
"Mabuti po at nakabalik na kayo."
Nakangiting sabi ko ng humiwalay na sa kanya."Oo nga eh. Nako, pasensya na talaga anak at hindi na ko nakadalo sa kaarawan mo."
Nakangiting umiling naman ako sa kanya."Ayos lang po yun."
"Oh sya, kumain kana."
Nakangiting tumango na lang ako sa kanya at naupo na sa upuan ko."Si mommy po?"
"Im hereeee!!!!!!!"
Nag taka naman ako sa masiglang bati ni mommy at mas nag taka pa ko ng bigla nya kong niyakap ng mahigpit as in sobrang higpit.
"M-mom.. c-cant breath."
"Oh! Hahahah! Sorry. Honey! Im just happy!!!!! Hmmmmmuuaahh!"
Hinalikan nya pa ko sa pisngi na sobrang diin."W-whats with you mom?"
"Nothing!! Yiiieehh! Im so happy!!"
'Bakit naman kaya?!'
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Novela Juvenil"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...