011

2.4K 78 3
                                    

ASTRID

Maaga akong nagising dahil sinundo ako ni Ryker. Nasa gym kami at katatapos lang ng flag ceremony. Muli akong sumilip sa pila ni Ryker at nakita ko naman syang tumatawa kasama yung mga classmates nya. Nasa left side kase ang pila ng boys kapag paharap sa stage at lahat ng babae ay nasa right side naman. Muli naman akong napatingin sa harap ng mag salita si Caroline, ang presidente ng student council.

"Good day, schoolmates. May konting announcement lang ako. First or all, hanggang ngayon ay pwede paring mag try out para sa ilang mga natitirang sports like skate boarding and billiard. Sa skate boarding isa na lang ang kulang samantalang sa billiard naman ay kailangan pa ng isa for mens division at isa din para sa womens division. Kahit anong grade level ay pwedeng mag try out."

Huminto sya at inilipat ang papel na hawak. Kanya kanya namang bulungan ang mga estudyante habang ako ay inip na inip na sa pwesto ko. Monday na monday tinatamad ako.

"Another thing. Since isang taon na naman ang dumating, ay mag kakaroon tayo ulit ng acquaintance  party. Hindi lang para i welcome ang mga dati na nating kaklase but also to welcome all new students. Sa June 19 ang party kaya simula ngayon ay may dalawang linggo pa ang lahat para mag handa. If you have any questions or clarification, bukas ang office ng student council sa lahat. Thats all and thank you"

Mas lalong umingay ang gym dahil sa anunsyong iyon ni Caroline. Kahit naman sino ay naeexcite kapag party ang usapan.

Hindi tuloy ako makapag concentrate dahil sa excitement. Ilang linggo pa ang pagitan pero na eexcite  na ko. Ni hindi ko na magawang intindihin lahat ng tinuturo ng instructor namin sa Algebra 2 na trigo naman talaga. Sabagay. Kahit naman mag focus ako ay hindi ko parin maiintindihan. Ang hirap naman kaseng intindihin ng math. Bakit kailangang hanapin pa si x eh kung sya yung nang iwan? Tapos tatanungin mo pa ng y. Eh baka hindi kana mahal.

"Miss Bryleighn!"

Nagulat ako sa sigaw nayun ni Ms. Azarcon.

"Y-yes Miss?"

Nahihiyang tumayo ako at tumingin sa kanya.

"What do you think your doing?!"

Bahagya namang napakunot ang noo ko sa tanong nya.

"Miss? Wala nga po akong ginagawa eh."

"Exactly!"

Nag tawanan naman ang mga kaklase ko. Napatingin ako kay Sari at nag peace sign lang sya. Si Zay naman ay napiling na lang habang pinapakita sakin ang papel.

"Kanina pa kita tinatawag dahil para kang timang na nakatulala dyan. Kanina ko pa pinapapasa ang seatwork nyo pero mukhang wala kang ginagawa!"

Napakamot naman ako ng ulo.

"Im sorry miss. Pagod lang po sa training."

"Hindi porket varsity ka ay hahayaan na kitang tumulala sa klase ko. Aba, kung hindi mo kaya ay mag quit kana!"

"Sorry miss."

Nahihiyang umupo na ako. Kinuha ko ang papel na inabot ni Zay at kahit mahirap ay sa tingin ko nasagutan ko naman yung seatwork nya. Kainis. Kahit naman kase bully ako ay may galang naman ako. Hindi ako lumalaban sa mga instructor namin kahit pa kami ang may ari ng school. Matapos lang ang ilang klase ay dumeretso na rin kami sa cafeteria.

"Engk engk. Enemy spotted
Enemy spotted. Engk engk."

Napairap na lang ako sa kawirduhan ni Sari. Biruin mong mag salita pa na parang robot. May saltik talaga tong babaeng to.

Agad rin naman kaming napalingon ni Zay. Kahit maraming tao ay, madali din talaga syang makita. Maliban sa halos lahat ay naka uniform, kapansin pansin din kase talaga ang tangkad ni nerdy. Sa tingin ko 5'9 ang height nya. Nasa 5'7 naman ang height ko at hindi na yun masama. Isa pa sya lng naman kase ang nerd na may kakaibang aura.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon