060

2K 73 12
                                    

Good day mga bebe. 😉😊

Sa mga naiinip sa kuwento, hindi ako hihingi ng sorry kase wala eh, ito yung gusto ko. Parang gusto ko lang irelate sa reality na kumbaga hindi mo naman agad narereliaze na mahal mo ang isang tao. Kumbaga marami munang mangyayare. Sa mga naiinis na sakin, feel free to hate me. Ayoko namang maging spoiler. Hehehe 😂

Thanks for reading this boring and tiring story 😊😘😘

********

ASTRID

Lumipas ang mga oras hanggang sa idischarge na ko ng mga doctor. Kung ano anong gamot lang din ang nireseta nya at kung ano anong bilin at dahil hindi ako interesado si kuya lang din ang kinausap nya.

May ilan ding dumalaw sakin at karamihan ay yung mga close friends ko and classmates. Pero ni isang beses, walang Nerd na dumating, well maliban kay Matt.

'Sabagay, ano bang pake ko?! Hindi ko sya hinihintay pero naiirita parin ako na parang wala lang sa kanya kung nahospital ako! Bakit nung sya yung nahospital, nag stay pa ko kung hindi lang kami pinaalis nung Mistiso nyang asawa?!'

Mabuti na lang at nakauwe na din ako dahil naiinis lang ako sa kuwartong yun.

Hindi naman ako iniwan ni Ryker dahil hanggang sa idischarge ako ay nandun sya. Hindi nya lang ako nahatid kase dala nya yung kotse nya at si kuya at Cadence ang nag hatid sakin pauwe.

Halos maiyak naman si Nanay Lorna ng makita ako at kung ano anong tanong ang binato sakin. Hindi nawala ang mga pangaral at mga paalala.

Kahit papaano gumaan ang nararamdaman ko dahil sa kanila dahil sa mga taong nag aalala sakin.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at pag katapos ng morning rituals ko ay nakatitig lang ako sa harap ng salamin.

May mga galos pala talaga ako sa mukha kaya pala ganun na lang ang alala nila sakin.

Tinignan kong mabuti ang buong mukha ko, kaliwa tapos kanan.

May sugat ako sa parehong pisngi, na kung tama ang pag kakatanda ko, dahil yun sa pag sampal sakin ng isa sa kanila na may singsing. May sugat din sa magkabilang gilid ng labi ko, medyo magaling na yung sa bandang kilay ko na dahil sa pag tama ng bola at mukhang gumagana naman yung ointment para hindi mag ka peklat.

Nilagyan ko na lang ng ointment ang mga sugat ko tyaka bumaba.

"Good morning Nanay!"

Niyakap ko sya at ganun din naman sya.

"Naku, ang alaga kong to. Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?"
Tanong nya ng humiwalay na sya sa yakap. Ngingitian ko lang sya at naupo na.

"Okay na po ako Nay. Ang dami nyo naman pong niluto."

"Nako, dapat lang yan ng makabawi ka ng lakas at ng gumaling ka kaagad. Sya kumain kana."

"Sabayan nyo na po ako Nay."

"Sige sige. Ililigpit ko lang to at uupo n rin ako."

Nginusuan ko naman sya.

"Bawal pong pinag hihintay ang pagkain."
Tinignan nya naman ako na parang natatawa.

"Ikaw talagang bata ka. Oh sya. Eto na."
Nginitian ko naman sya at nag simula ng kumuha ng pagkain matapos mag dasal.

"Si kuya po pala?"

"Maagang umalis. Ayaw nga sanang pumasok ng maaga eh kase ihahatid ka daw pero ayun, umalis din at hinahanap na daw sya ng professor nila. Mag pahatid ka na lang kay Kanor."

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon