076

1.7K 74 3
                                    

ZAYLEE

Mukhang pare pareho kaming nahihiwagaan sa pagkatao nung dalawa. Kahit ako. Lalo na at parang pamilyar sakin yung parents ni Kim.

"Yung parents ni Kim..."
Biglang sabi ko.

"Oh?!"
Silang dalawa.

"I think I've seen them somewhere."
Dagdag ko.

"Really? Saan naman?"
Si Ash.

"I dont know. Hindi ko maalala kung saan."
Nag iisip paring sabi ko.

"See?! I knew it! Sabi ko na mayaman talaga sila at nag papanggap lang!"
Sigaw ni Sari.

"Ha?! Bakit naman?"
Si Ash.

"Look, unti unti ng lumalabas ang pagkatao nila!"

"Tss. Ang corny mo."
Umiirap na sabi ni Ash sa kanya.

"Listen to me first, curvey."
Nakangising sabi ni Sari at pinandilatan naman sya ng mata ni Ash. Nakinig lang ako sa kanya.
"Did you see her purse? Well, hindi ko alam kung anong klaseng purse yun pero parehong pareho sila ng purse ni Mom!!!"

'Wow! Napansin nya yun?!'

"So??? Whats the big deal?"

'Oo nga, ano naman kung pareho?!'

"Well, the thing is, sa pag kakatanda ko, yun yung pinakamahal na purse sa buong mundo! Kaya nga pinagtalunan pa yun nila dad eh! Basta ang alam ko worth 2 or 3. Something million dollars ang halaga nun!"
Sigaw ni Sari.

'Wow! So ganun pala talaga kayaman ang mommy ni Sari?! Well, ganun din sya ka adik sa purse para bumili ng ganun kamahal.'

"So????"

Gusto ko silang pagtawanan dahil palagi na lang silang ganyan. Hindi na matapos tapos sa bangayan.

"Anong so?! Heller?! Million dollars yun! Edi ibig sabihin sobrang mahal at mayayaman lang ang meron non!"

"Y-youre right.."
Parang gulat pang sabi ni Ash.

"But what if kapareho lang? I mean diba marami ng napepekeng ganun ngayon?"
Pag singit ko.

"No! Alam kong original yun dahil pa sadya pa yung pinapagawa sa di ko alam na bansa! Basta personalize pa yun kaya for sure yun talaga yun!"

"Well then, mukhang tama ang hinala ko."
Sabi ko na lang.

"I knew it! I knew it! Sabi ko na eh! Mayaman talaga sila!"
Sigaw na naman ni Sari na prang tuwang tuwa.
"In the first place, hindi naman sila makakapasok sa ZIPS kung hindi sila mayaman. We all know how expensive the tuition is!"

"Tch! Fine! Sabihin na nating tama kayo, pero duh! Mommy lang ni Kim ang may expensive purse meaning posibleng mommy lang ni Kim ang mayaman but it doesn't mean na mayaman na si Nerdy no!"
Sigaw naman ni Ash.

"Hahahaha! Bakit parang hindi mo matanggap na mayaman din si Leigh?!"
Pang aasar ni Sari.

"W-what?! A-ano namang pake ko kung mayaman sya?! Malay mo tama naman ako! Baka si Kim lang ang mayaman at hindi sya no!"
Palusot ni Ash.

"Whatever curvey! Malalaman din natin yan."

Kakaiba talaga ang araw nato. Maliban sa nakita at narinig naming tumawa si Leigh ay wala na kaming ibang napagusapan kundi sila lang ding dalawa ni kim.

Napatingin naman ako sa phone ko ng mag ring ito.

'Si Manang Silya?!'

Sya ang mayor doma sa bahay nila Ryker at madalas tumatawag lang sya sakin kapag may problema o binibilin ang parents ni Ryker na hindi nasabi sakin. Pero madalas kapag may problema lang talaga dahil nakakausap naman ako nila tito at tita, parents ni Ryker.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon