Announcementsssssssssssssss
Wala pong sched ang magiging update ko unlike before. As you all know, tulad ng mga nakaraang sinabi ko kapos po ako sa oras at tuwing gabi lang may chance na gumawa ng part kaya minsan pag pasensyahan nyo na kung bakit konting chapter lang.
Sorry talaga!!!!!! 😖😭😭😭😭😭
**********
159
*********
ASTRID
Nakangiting napatungo na lang ako ng makita silang mag kakayakap.
Gumaan ang dibdib ko dahil sa mga sinabi ni mommy.
'She really is the very best mommy in the whole world!'
Hindi man nya natanggap agad at nagalit man sya kay kuya pero sa huli tinanggap din nya ang sitwasyon.
Napatingin ako kay dad at naka pamewang sya habang nakahawak ang isang kamay sa panga nya na para bang hindi parin makapaniwala.
Hindi naman namin masisisi sila dad dahil kahit ako hindi ako makapaniwala na magagawa to ni kuya.
Sabi ni mom hindi basta basta ang pag papamilya at dapat ginagawa yun sa tamang panahon at tamang sitwasyon. Hindi daw biro ang pag aasawa dahil marami daw itong responsibilidad. Pero hindi ko rin masisisi si kuya. Siguro sobrang mahal lang din nya si Cadence.
Hindi ko parin maisip na magagawa nila kuya ang ganito pero hindi sapat na itakwil sya...
Pasimple akong tumingin kay Chairman at salubong parin ang kilay nya habang nakatingin sa kanila.
Binalik ko ang tingin ko kila kuya at yakap yakap nya na ngayon si mom.
"Im here honey... dont be afraid okay?"
Sabi ni mom sa umiiyak na si kuya at inabot ang kamay ni Cadence.Umiiyak na tumango sa kanya ang dalawa tyaka bumaling si kuya kay Dad.
"D-dad..."
Lumuluhang tawag nya kay daddy pero hindi malaman ni dad ang gagawin nya.Sobrang nadisappoint talaga si dad at maluha luha pa syang tumingin kay kuya.
Alam kong gusto nyang patawarin agad si kuya pero sobrang nasaktan sya sa mga nalaman nya.
Kahit ako naiinis dahil nag kasabay sabay pa lahat! Hindi pa nagiging maayos ang lagay nilang lahat tapos ganito pa ang nangyayare!
Masaya ako for kuya dahil magiging daddy na sya pero natatakot ako na baka mahirapan sila dahil sa pamilya namin si Chairman ang laging nasusunod at natatakot ako na totohanin nyang itatakwil nya si kuya!
"Im sorry dad..."
Lumuluhang sabi ni kuya na nakatungo pa.Malungkot na lumingon si mommy kay dad. Akala ko mananatili lang na nakatayo si daddy pero napangiti ako ng mag simula itong humakbang at mag lakad palapit kay kuya. Mas lalo akong napangiti at napaluha pa sa saya ng yakapin ni dad si kuya.
"Im sorry dad..."
Umiiyak na sabi ni kuya at kahit hindi ako kasama sa yakap na yun feeling ko sobrang higpit nun."I cant say na hindi ako galit Brent... pero anak kita at tama ang mommy mo.. nang yare na ang nangyare.."
Sabi ni dad kaya naman parang inayos ni kuya ang yakap nya kay dad at mas hinigpitan ito.
"But im still disappointed Brent..."
Sandali pa silang nag yakap ni Dad bago sya bitawan nito. Hinawakan nya sa balikat si kuya at kita ko ang mga luha sa mata ni dad.
"Anak malaking responsibilidad ngayon ang pinasok mo... sana lang kayanin mo at at mag pakalalaki ka."

BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Novela Juvenil"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...