085

2.8K 90 25
                                    

ASTRID

Sandali pa kong natulala sa mga sinabi nya.

Hindi ko alam kung bakit parang kumirot ang puso ko ng sabihin nya ang mga huling salitang binitawan nya.

"Mamamatay ka kapag nalaman mo ang tunay kong pag katao kaya sana, ito na ang huling beses na manghihimasok ka sa buhay ko."

'What does she mean? Sinasabi nya ba na wag ko na syang kausapin? Wag ko na syang lalapitan?! Bakit?! Sino bang may sabing gusto ko syang makilala higit pa sa pagkakakilala ko sa kanya ngayon?!'

Agad nag salubong ang kilay ko ng unti unti ko ng ma absorb lahat ng sinabi nya. Yung tungkol sa parents nya, sa mga kapatid nya na cousin nya pala, sa trato sa kanya ng pamilya nya ngayon, sa mga makahulugang salita nya at maging sa sinabi nya tungkol sa pagkakaroon ng kaibigan!

Agad na tumayo ako at dinampot ang jacket nya at sinundan sya. Medyo malayo na sya sakin pero hindi ko na tinuloy ang tangkang paglapit sa kanya dahil kasama na nya ngayon sila Nixon. Mukhang kinakausap sya ng dalawa at parang sa ayos ni Claude, parang kinukulit pa sya nito.

Sinundan ko pa sila ng tingin at nang mawala na sila sa paningin ko ay naisipan ko na lang na pumunta sa locker. Pero habang papunta sa locker area ay napansin ko si Ryker sa tapat ng cr. Agad nawala ang ngiti ko ng mapansing parang may ka text sya at hindi ko malaman kung sa loob ba ng mens room sya sumisilip o sa ladies room.

Hindi muna ako lumapit sa kanya at pinag masdan ko lang sya na abala sa phone nya. Panay ang pindot at lagay nya ng phone nya sa tenga nya tapos pindot ulit. Halatang inis din sya. Nag taka naman ako sa inasal nya kaya naisipan ko na lang tignan ang phone ko pero ni isang missed call, wala. Kahit nga text, wala.

Hindi ko na naiwasang lapitan sya pero masyado ata syang abala sa pag dadial dahil hindi nya man lang ako napansin.

"Ano ba! Pick up your phone!"
Rinig kong sabi nya ng muling tinapat sa tenga nya ang phone nya.

'Sino naman kayang tinatawagan nito at parang inis na inis na?'

"Aish! Damn it! Bakit ba ayaw mong sagutin?! Sagutin mo na—"

"Sino bang tinatawagan mo?"
Hindi ko na napigilang itanong sa kanya. Agad na humarap sya sakin at halata ang sobrang pagkagulat sa mukha nya pero halata ding pilit lang ang ngiti nya ng makalapit sakin.

"A-ash! What are you doing here?"
Nakangiti nyang tanong na hinawakan pa ko sa magkabila kong balikat.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko pabalik na hindi inaalis ang pag tataka sa kanya.
"Nasa kabila ang building mo ah?"

"H-ha? Ah!! Hahahah! May sinamahan lang akong kaklase."

'Really? Bakit ka natetense?'

"Ahh."
Tumatangong sabi ko.
"Wait, sino nga pala yung tinatawagan mo?"

"H-ha? W-wala! Hahaha. Bakit mo natanong?"

"Wala naman. Para kaseng kanina mo pa sya tinatawagan eh tapos hindi ka sinasagot. Sino ba yun at ang kapal naman nya para hindi sagutin ang tawag mo?"
Sabi ko na dinaan na lang sa biro dahil ayoko namang isipin nya na masyado nakong nangengeelam.

"Hahahah! Wala yun! Si Mark lang yun. Kanina pa kase ako nandito hindi pa sya bumabalik."

'Mark?'

"Bakit hindi mo na lang kase sya sunduin? Bakit naman nandito sya?"

Bago pa nya masagot ang tanong ko ay may biglang tumawag sa kanya at lumapit ito samin.

"Ryker! Ok na nakausap kona si Sir. Oh! Hi Ash!"
Nakangiting bati sakin ni Mark. Pilit na nginitian ko din sya.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon