027

2.2K 74 3
                                    


LEIGH

Sa bahay.

"Sobrang salamat you talaga Nixon. Nag enjoy me ng sobra."
Si Kim na umiral na naman ang pagiging abnormal.

"No worries. Anytime and anywhere. Thanks din sa inyo at nakapag relax naman ako. Kahit papano napahinga ko ang isip ko. Bukas back to reality na. Daming dapat gawin."
Nakangiting sagot ni Nixon habang nakapamulsa at bumaling naman sya sakin.

"Nag enjoy ka ba?"

Tumango ako sa kanya.
"Thanks."

"Sus. Wala yon. Ikaw pa! Malakas ka sakin, ako lang ang mahina sayo eh."

"Tss. Basta sa susunod, wag kang basta pupunta dito."

"Ang strict naman ng lola mo. Hahaha" si Kim.

"Opo, opo. Promise. Basta ba, lagi tayong lumalabas eh. Anyways, thanks again. I really enjoyed. I have to go."

"Sige. Salamat ulit Nix. Ingat ka."

"Salamat."

Humarap sya sakin at tumango lang ako sa kanya. Hinalikan nya ko sa noo at tinap ako sa ulo bago sya umalis.

"Ingat."
Sabi ko na ikinangiti naman nya.

Sumakay na sya sa kotse nya at hinatid na lang namin sya ni Kim ng tingin hanggang sa mawala na sya sa paningin namin ay tyaka kami pumasok sa loob ng bahay. Pabagsak na naupo ako sa sopa na tila ba sumabak sa giyera sa sobrang pagod.

"Waaahh!! Grabe nakakamatay sa pagod!"
OA na sabi ni Kim.

Totoo namang nakakapagod pero ang OA nya para sabihing nakakamatay sa pagod.

"Huy, tahimik mo? Pagod ka no?"

"Tss. Bukas start mo sa ShareHauz"
Sabi ko na nanatiling nakahilig sa sandalan ng sopa.

"Yess! Excited na ko. Pero nako, mukhang mas nakakapagod nga lang.,"

"Edi ngayon palang mag quit kana. Bakit kase kelangan mo pang pumasok? Napaka inggetera."

"Eh sa nakakainip dito eh."
Nakanguso nyang sabi.
"Halos lahat na ng butiki napangalanan ko na. Pati nga mga kapatid mong ipis at daga binigyan ko na ng pangalan dahil sa bugnot ko."

"Edi wag kang mag reklamong nakakapagod."

"Sino ba kaseng may sabi sayong nag rereklamo ako?! Asar to! Bawal na bang mag comment?!"
Bahagya syang tumahimik kaya akala ko tapos na sya pero mali na naman ako.

"Tyaka andun ka naman eh. Ayos na yun."

Hindi ko alam pero pakiramdam ko napangiti ako sa sinabi nya. Well, hindi ko naman talaga sya kaibigan. Ayokong mag karoon ng kaibigan but honestly speaking, shes the coolest person ive ever known. Kung para sa iba bestfriend na kami kung tawagin pero para sakin normal lang kaming mga sibilyan na mag kakilala lang at nag uusap pero mahalaga sya sakin. Lagi syang nandyan kahit hindi ko sya kailangan. Hindi nya ko iniiwan at talagang maaasahan sya sa lahat ng bagay.

"Leigh.."

Akala ko naman umalis na ang babaeng to. Hindi ako nag bago ng posisyon. Ni hindi ko nga iminulat ang mata ko.

"Hm?"

"P-pwedeng mag tanong?"

"Hindi pa ba tanong yan?"

"Asar ka talaga! Nahihiya na nga ako dito oh."

"Ano ba kase yun? Gumagana na naman yang pagka chismosa mo."

"Ahm.. hindi mo ba namimiss ang pamilya mo?"

"Bakit mo natanong?"

"W-wala, wala lang.. n-naisip ko lang kase, h-halos two years ka ng hindi umuuwi sa inyo.."

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon