044

1.9K 75 2
                                    

LEIGH

Dahil wala naman akong ibang choice na sa bahay nila Astrid kami gumawa ng presentation, mukhang kailangan ko muna syang pakisamahan. Hindi naman ako mabilis mapikon pero mabilis akong mairita at yun ang dapat kong kontrolin sa ngayon.

Napakadali kong magalit kaya nga hanggat kaya ko, tumatahimik na lang ako dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Masyado syang pilya para sa edad nya at kung titignan, hindi naman talaga dapat na patulan ko pa sya dahil para lang din akong tangang tulad nya.

'Sabi nga, kung alam mo nang baliw, wag mo ng patulan dahil mas mabaliw kapa sa kanya kapag pumatol kapa.'

Pagkatapos nyang mag doorbell ay hindi rin naman nagtagal at bumukas ang pinto.

Isang napakandang babae ang sumalubong sa amin. Sa tingin ko ay nasa mids 40s na sya pero napakaganda parin nya para sa babaeng may edad na. Halata ang gulat ng makita nya kami.

'Iniisip ba nyang ako ang may kasalanan? Tss. Kung ako man ang gumawa nyan, malamang pinaglalamayan na tong babaeng to.'

"Goodafternoon, Mrs B—"

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng bigla nya kong niyakap. Hindi lang basta yakap, isang napakahigpit na yakap.

"M-mom?"

Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at nakangiting inalalayan pa sa pag suot ng slippers.

"Here, ija. Isuot mo to—"

"M-mom?"

"Oh, hi there, honey. Pasok kana."

"Mom?!"
Malakas na tawag ni Abo sa kanya.

"Come here, Honey. Pumasok ka na muna. Tuloy ka, ija."
Nakangiting baling nya sakin habang inaalalayan papasok.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?"
Tanong ng mommy ni Astrid na nasa akin parin ang atensyon.

"Y-you know?"

"Of course. Nasabi na sakin ng kuya mo."

'Ano naman kayang sinabi nya?'

"Shes, Leigh, Mom. S-shes my schoolmate. L-Leigh mommy ko."

'First time ah! Halatang napipilitan pa. Tss!'

"Goodafternoon po."
Bati ko na lang.

"Goodafternoon din, ija."
Nakangiting bati pabalik ng ginang.
"Kumain na ba kayo?"

"Hindi pa mom. Gutom na nga ako eh."

"Alam kong sasabihin mo yan kaya naman nakapag handa na ko." Wagas ang ngiting pagkakasabi ng mommy nya.
"Kumain muna kayo pero miryenda lang ang muna. Maaga pa para sa dinner. Hindi ko naman alam na may bisita pala si Ash edi sana mas marami ang niluto ko."

"Mom. Hindi naman na kailangan eh."

"Ano kaba. Anong hindi ka dyan."
Mahinahong sabi nya habang ngiting ngiting nakatingin sakin.
"Come here, ija. Mag miryenda muna kayo."
Nakangiting sabi nya sakin at kulang na lang ay yakapin na ko kakaalalay.

'Nakakailang. Wala pang gumagawa nito sakin.'

Pumunta kami sa kitchen nila at pinaupo ako sa isang upuan. Hindi na nakakagulat ang laki at ganda ng kusina nila dahil sa labas palang naman, mala palasyo na rin sa laki ang bahay nila. Wala din silang katulong kaya sa tingin ko, talagang automatic na ang buong bahay nila.

Maya maya ay may dumating.

"Oh. Landry anak, nandito ka na pala. Abay hindi mo man lang sinabing may bisita ka pala."

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon