LEIGHAlas tres palang ay pumunta na ko sa ZIPS dahil maaga ang call time namin. Napakarami kase naming intermission kaya kailangang pag handaan. Nang mag simula namang buksan ang gym ay kanya kanya na kami ng handa. Inayos lang ang uniform at maging ang itsura namin. Kanina habang nag aayos at nag hahanda ay nakita ko pa yung 3Ws, 3 witch daw yun sabi ni Kim, at gaya ng lagi nilang ganap, kung ano anong eksena ang ginawa sa harap ko.
May sariling table ang Matrix malapit sa gilid ng stage para mabilis maka exit. Ang alam ko naman ay malapit sa table nung 3Ws yung table nila Amya kasama sila Kim, at Jay.
Kauupo ko lang sa table ng may maingay na dumating.
"Naks, famous na!" Salubong sakin ni Kim at binangga pa ako sa tagiliran.
"Sinasabi mo?"
"Ikaw kaya ang sinisigaw kanina dun! Mapa babae, lalaki pati nga ata bakla sinisigaw ang pangalan mo"
"Oo nga Leigh, grabe ang galing mo naman kase talaga"
Si Dianne, leader namin."Grabe nga yung sigawan eh. Lalo na nung nag pakilala kayo ni Mark!" Si Darylle.
"Tamo! Pati sila, na katribu mo, hangang hanga sayo!" Si Kim
"Gago. Ka tribo ka dyan."
"Oo dapat nga pag ending sumisigaw kayo, AWOO! AWOO! AWOO!"
"Tingin mo samin, spartan?" Biro ko pa. Nag tawanan naman kaming lahat.
"Oo nga pala Leigh, hindi ka talaga pwedeng mag palit?" Si Kim.
"Pwede naman."
"Gagi ka, pwede naman pala eh! Bakit hindi ka nag dala ng dress?!"
"Hassle lang."
"At pano naman naging hassle aber?"
Naka pamewang na tanong nya."Tss. Mag papalit din ako nun, pag katapos. Nakakapagod lang."
"Ano ba yan!! Kainis ka talaga. Lalo kang magiging outcast nyan, eh."
Nginitian ko na lang sya.
"Bakit ka nga pala nandito? Diba kasama mo sila Amya?" Tanong ko sa kanya at uminom ng juice.
"Ay oo nga pala! Putek nawala sa isip ko! Yun nga pala pakay ko. Hahaha"
Hinila nya ang upuan nya at halos dumikit na sa tenga ko yung bibig nya.
"Ang lapit mo naman!"
Angil ko sa kanya. Itutulak ko na sana ang mukha nya pero ayoko namang masira ang make up nya kaya ako na lang ang bahagyang lumayo."Wag kang maarte. Baka may makarinig"
Mahinang sabi nya at luminga linga pa."Ano ba yun?"
"Si Nixon!!!"
Pabulong na sigaw nya."Ah.. Oo nakita ko nga."
"Anong ginagawa nun dito?! Nung nakaraan lang kasama natin sya, wala nman syang binanggit na sya pala ang special guest!"
"Oo nga eh. Nakakagulat. Haha"
"Bwisit yun! May drama effect pa na sayang daw at hindi sya pwedeng umattend kase nga college sya at sayang daw dahil hindi nya tayo makikitang mag dress! May pa surprise pala ang lintik!"
"Awayin mo na lang mamaya."
"Ha! Humanda talaga sya. Ay! Teka, kumain kana ba?" Tanong nya.
"Yup. Ikaw?"
"Oo. Grabe ang daming pagkain sa table namin. Mag papalaki ata si Jay hahaha"
"Eh bakit hindi kapa bumalik dun?"
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...