003

3.9K 108 2
                                    

LEIGH

"Are you okay miss?"

Tanong ng isang lalaki.

"Im sorry for that. Here"

Inabot nya ang isang panyo at dahil mukhang hindi nya ko tatantanan ay kinuha ko na ito at nilagpasan na sya.

"Leigh."

Nag mamadaling lumapit sakin si Amya. May dala syang tissue at maingat na pinunasan ang mukha ko.

"Pasaway talaga yun si Astrid. Ayan tuloy ang dumi mo na."

Bakas ang pag aalala sa kanya. Pinahinto kona sya at ako na mismo ang nag punas sa mukha at katawan ko. Soup pa naman inorder ko. Kaasar.

Bumalik kami sa upuan namin at patuloy parin ako sa pag punas ng damit ko.

"Sino ba yun? Nakakadalawa na sya ah"

"Dalawa?"

Ikinuwento ko sa kanya kung ano ang unang tinutukoy ko. At mukhang nagulat sya.

"Seriously?"

Mukha ba kong nag bibiro.

"Grabe talaga ang babaeng yun. Well, wala namang bago kase sikat talaga syang bully dito sa campus pero hindi ko paring maiwasang magulat. First day na first day."

Hindi na ako nag salita at abala parin sa pag punas. Lalabhan ko na lang yung panyo nya.

"Tara na sa washroom, Leigh, mag hilamos kana lang tapos mag palit ng damit. May extra naman ako"

Hanggang sa corridor ay may mga estudyanteng tumitingin sakin at nagtatawanan. Kanya kanya silang bulungan habang may nakakalokong tingin sakin. Hindi ko na lang sila pinansin at tuloy lang sa pag lalakad.

"Pasaway talaga si Astrid. Matagal na nyang ginagawa yan. Marami nang nag drop out dahil sa kanya. Mapa babae o mapa lalaki basta trip nya, binubully nya."

Pailing iling na kwento ni Amya. Hindi muna ako nag salita at pumasok na kami sa comfort room. Hinubad ko muna ang salamin ko at nag hilamos.

"Bakit walang nag rereklamo?"

"Nako, madami. Halos lahat."
Nakatingin sya sakin sa malaking salamin.

"Kaso wala namang nangyayare. Kung hindi mo naitatanong, apo lang naman kase sya ng may ari nitong school tapos daddy nya ang dean."

"So kinukunsinti nila ang kalokohan nya?" Kunot noong tanong ko na tumingin sa kanya sa salamin.

"Hindi naman. Kaso syempre kailangan marami kang witness at may evidence ka kapag ganun eh kaso dahil sikat sya sa school, mas marami syang kakampi dahil maraming humahanga sa kanya. Pero ewan ko lang ha. Kase mabait naman talaga sya eh. Kaso siguro minsan walang magawa sa buhay."

Nakangiwing tumango ako sa kanya.

"What?"

Kunong noong tanong ko nang mapansing ang pag titig nya.

"Ikaw ang what. What kind of face is that. I mean hindi ka panget ha, maganda ka, what i mean is, no offense pero kase parang wala kang pakialam. Kung iba yun, malamang nag karon na ng rambulan dun. Kahit ako gaganti ako. Baka sinabunutan ko na yun. Pero ikaw"

Nginitian ko sya.

"Ewan. Ganito ata talaga ko."

"Tingin ko nga."

Natawa naman kami pareho. Inabot nya sakin ang damit at nag palit na ko sa loob ng cubicle.

"Ayan. You look better than earlier. Lalo kang pumuti sa maroon. Hehe"

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon