031

2K 64 5
                                    

KIMORA

Kanina pa walang kibo si Leigh. Simula nung hilain ko sya paalis sa meeting at hanggang matapos ang dalawang subjects ay hindi na sya kumikibo. Pinapansin naman nya kami kapag tinatanong namin sya pero sobrang tipid ng mga sagot nya. As in bilang na bilang lang.

Mukhang nabadtrip talaga sya kanina.

Lunch break na.

Masyadong maraming patay gutom ngayon kaya naman puno ang canteen dahil doon ay napilitan kaming humiwalay muna ng table kela Aj. Wala pa ring kibo si Leigh at kakaiba ang aura nya kaya naman ang decide na kong i approach na sya.

"Ahm... L-Leigh?"

"Mm?"

Hindi sya tumingin sakin at nakatingin lang sya sa pag kain nyang paminsanan nya lang kainin.

"Okay ka lang?"

"Mm."

"G-galit ka ba sakin?"

Napakunok naman ako ng mag angat sya ng ulo at seryosong tumingin sakin. Pero muli nya lang binalik ang tingin nya sa pag kain tyaka sumubo.
"K-kanina mo pa kase ako hindi kinikibo eh.."

"Hindi."

"T-talaga? Akala ko—"

"Badtrip lang."

"Badtrip? Kanino? Sakin? Hala! B-bakit??"

Tinignan na naman nya ko ng seryoso at tyaka huminga ng malalim.

'Mukhang seryoso nga talaga sya!!!!'

Pinatong nya ang dalawang kamay nya sa lamesa at tyaka ako tinignan ng seryoso.

*LUNOK*

"Kaninang umaga, hinarang ako ni Aira. Sinabi nila na alam na nila kung bakit tayo lumipat dito. Sabihin mo nga, mau sinabi ka ba sa kanila?"

"K-kela Aira?? Wala ah!! Hindi kami close nung bruhang yun para mag kwento—"

Natigilan ako sa pag sasalita at nahihiyang napatingin ako sa kanya.

'Hala! Wala akong binanggit kila Aira pero kila Amya meron..'

"So meron nga?"

"Wala nga! P-pero..."

Sumandal sya sa upuan nya at nag cross arms na tila hinihintay akong mag salita.

"N-nabanggit ko kase kela Amya nung Acquaintance na.. b-bagsak tayo ng QIS kaya tayo nandito... b-baka may nakarinig.."

Hindi sya sumagot pero alam kong nainis sya.

"P-pero h-hindi ko naman sinabi ang totoong dahilan, promise! Hindi talaga! Yung dahilan tungkol sakin, sinabi ko pero yung sayo... w-wala akong sinabi... pangako!"

"Hindi mo naman kailangan sabihin sa kanila. Sana hindi ka na lang sumagot."

Seryoso nyang sabi.

"T-tinanong kase nila eh... a-alam mo namang a-ayokong mag sinungaling.."

Bumuntong hininga sya.

"Hindi pagsisinungaling ang hindi pagsagot, Kimora. Anyway, hayaan mona. Tapos na."

Malumanay nyang sabi.

"Sorry talaga... ang lakas talaga ng radar ng babaeng yun.."

"Hindi na yun nakakagulat. The fact na may sinabihan ka, kakalat talaga yun."

"Malamang yung date yun ni Amya.. hindi naman yun ikakalat nila Jay at Amya eh. Kaibigan natin sila."

Hindi sya sumagot. Bumuntong hinibga naman ako.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon