136

1.9K 107 42
                                    

136

*******

CADENCE

Hindi ko talaga maiwasang magulat ng biglang tumawag sakin si Leigh.

Wala sana akong balak na sumagot ng tawag ng kahit na sino, kahit na sila mom at dad ang tumatawag sakin. Kanina, may ilan na rin na pumunta dito sa bahay at paulit ulit na kumatok pero hindi ko sila pinag bubuksan.

Wala akong kahit na sinong kinausap at hinaharap. Nandito lang ako sa bahay at mag isang nag kukulong.

Pero mas lalo akong nagulat ng biglang marinig ko ang boses nya mula sa labas ng bahay.

"A-anong ginagawa mo dito?"
Gulat na tanong ko tyaka pilit na ngumiti sa kanya.
"Na miss mo ko no?!"

"Bakit ang dilim dito?"
Seryosong tanong nya tyaka binuksan ang switch ng ilaw.

Hindi naman sobrang dilim pero hindi ko talaga binuksan ang ilaw para maisip ng mga pupunta dito na wala ako sa bahay na to.

Nakaramdam naman ako ng hiya ng seryoso nya kong tinitigan.

Base sa galaw ng mata nya ay mukhang tinitignan nya ang kabuuan ko.

"M-may klase ka diba? B-bakit ka nandito?"
Tanong ko para mawala ang pagkailang na nararamdaman ko.

Pero nagulat ako ng bumuntong hininga sya at parang hindi makapaniwalang tumingin sakin.

'I miss that stare.'

Yung tingin nya na parang malungkot syang makita akong ganito, yung matang parang nag aalala sakin, yung matang parang tinitignan ako ng may pag mamahal.

"Nasan ang first aid kit mo?"
Seryosong tanong nya.

"N-nasa kusina."

"Umupo ka."
Utos nya lang tyaka ako tinalikuran at nag lakad palapit sa kusina.

Nahihirapan man ay pinilit kong indahin ang sakit ng katawan ko.

Sobrang sakit talaga nito, ni pag akyat sa hagdan hindi ko na nagawa kase parang mapipilas ang katawan ko sa sakit.

Napaayos ako ng upo ng bumalik na sya dala ang kit tyaka naupo sa tabi ko. Pinanood ko lang syang seryosong nag lalagay ng betadine sa bulak.

'I miss this too.'

Dati pa man takaw gulo na kami.

Ako kase yung tipo ng taong happy go lucky, yun din bang mahilig sa kasabihang, 'go, wild and free'. Madalas din kaming napapaaway dahil sa kasungitang meron ang babaeng to at dahil na rin sa kayabangan nya.

Napangiti ako ng parang isa isang bumabalik ang masasayang alaala naming dalawa.

"N-nag skip ka ng class?"
Tanong ko para mailihis ang atensyon ko dahil baka makagawa ako ng bagay na pag sisihan ko.

"Hmm."
Tipid na sagot nya habang pinupunasan ang sugat sa pisngi ko.

"D-dapat hindi kana pumunta dito. B-bumalik kana kaya."

"Tss."

'Kailan pa nawalan ng sagot ang babaeng to sa mga sinasabi ko?! Madalas nga tong nangbabara eh!'

"A-alam ba nilang nandito ka?"

"Hindi."

"Ano?! B-bumalik kana nga dun!"

"Tss. Nandito na ko eh. Isa pa, alam naman nilang umalis ako."

Bahagya nyang kinapitan ang pisngi ko at tinagilid ito tyaka nilagyan ng gamot ang mga gasgas na meron ako sa pisngi malapit sa tenga.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon