014

2.3K 72 0
                                    

KIM

Maagang natapos ang klase kaya naman maaga din kaming nakauwe ng bahay. Pero itong kasama ko wala parin sa mood. Lagi naman syang tahimik pero talagang wala na syang kinakausap kapag bad mood sya. Ayaw na ayaw nyang kinukulit sya kapag wala sa mood. Kahit ako ay ayaw nyang kausapin. Ayaw din nyang tinatanong sya kapag ganun kaya naman pati ako ay halos mapanis na ang laway dahil sa kanya.

Nang makarating kami sa bahay ay umupo agad sya sa sofa at nag sindi ng sigarilyo. Tama. Sa edad naming to ay may bisyo na kami. Ganun ata talaga ang epekto ng mga panget na barkada, panget din ang naa adapt. Nung una, dahil nga kabilang kami sa grupo ay naengganyo din kaming tumikim. Ang cool din kaseng tignan kaya ayun, nag simula sa patikim tikim hanggang sa hindi na nawala sa sistema namin.

Nag palit lang ako ng damit at dumeretso na rin ng kusina para magluto ng pag kain. Matapos mag luto ay agad din naman akong bumalik sa sala para mag linis pero mukhang inunahan na nya ko.

"Anong ginagawa mo?"
Takang tanong ko sa kanya.

"Nag lilinis."

Napairap naman ako sa sagot nya.

"Eh bakit ka nag lilinis?"

"Kase madumi?"

Malamang alam ko. Nakikita ko kaya. Sige Kim. Hingang malalim. Wag mo ng patulan ang baliw.

"Hindi kase natin nalinis nung weekend kaya ngayon na lang."

Sabi nya. Lumapit na ako sa kanya at tumulong na rin sa pag lilinis. Halos isang oras lang din naman ay naayos na namin ang sala at parang bago na ulit dahil sa linis.

"Lets eat."

Pag aya ko sa kanya matapos mag pahinga. Maging sa pag kain ay wala parin syang imik. Tuloy tuloy lang sya sa pag subo at pag nguya.

"Ano nang balak mo?"

Pag basag ko sa katahimikan.

"Sa billiard malamang, may iba paba?"

"Tss."

Parang inis na sabi nya

"Nakapag desisyon kana ba?"

Seryoso kong tanong sa kanya.

"Sayang din yun pag nag kataon. Isa pa, talagang wala na kaming mahanap na player eh."

Huminto sya sa pag kain at uminom ng tubig.

"Wala naman akong ibang choice eh. Malaking tulong din yun. Ang iniisip ko lang ay ShareHauz. Masyadong maraming trabaho."

"Isama mo na kase ako dun para naman mabawasan ang trabaho mo. Maiintindihan din naman yun ni Ced."

Seryoso nya kong tinignan.

"Kakayanin mo ba?"

"Ha?"

Ang alin ba? Ito, parang may sapak.

"Tss. Sabi ko kung kakayanin mo bang mag trabaho sa bar."

Nanlaki ang mata ko sa tuwa.

"Magulo dun at maingay. Tyaka -"

Agad ko syang niyakap.

"Waahh thank you. Oo naman. Tyaka ako pa ba, ingay lang yun. Yun ang hobby ko. Waahh salamat Leigh. Ang boring kase dito sa bahay."

Tinulak nya ko ng isang kamay nya. Hindi naman ganun kalakas

"Oo na. Masyado kang malapit"

Sobra talaga akong natuwa sa sinabi nya. Matapos naming kumain ay kaniya kaniya na kaming pwesto sa sala para mag aral. Hindi ko paring mapigilang matuwa dahil sa wakas, pinayagan na rin nya kong samahan sya sa trabaho.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon