037

1.9K 63 4
                                    

ASTRID

After ng class ay naisipan na lang muna naming tumambay sa bench sa quadrangle. Dahil masyadong mainit ngayon dito kami tumambay kesa dun sa garden. Mainit kase ang singaw ng bubong don kaya dito na lang kami pumunta. Dahil malawak ang quadrangle ay marami ding nakatambay dito dahil mahangin.

'Ano naman kayang idadahilan ko kapag kinausap ko sila? Baka isipin nila na trip ko ang nerd na yun! Wait sabagay.. pareho kaming babae kaya imposibleng maisip nila yun. Isa pa pwede nilang isipin na gusto ko lang na ako lang ang aaway dun sa babaeng yun! Aish! Bakit ba kase masyadong concern tong nga buwisit kong kaibigan eh! Nakakahiya tuloy!'

"Hoy! Gaga hindi ah! Sabi kaya ng ate ko talagang matalino si Nixon!"
Sabi nung babaeng nasa tabi naming bench. Hindi ko na lang sila pinansin.

"Ay we?!"

"Oo nga.. sabi pa..."

'What if bawiin ko na lang kaya?! Sabihin ko na lang sa dalawang bruha na kaibigan ko na nag bago na ang isip  ko at wala akong paki kung magmukha man akong kontrabida! Tama! Dahil umpisa palang wala naman talaga kong paki sa nerd na yun eh! Masyado talaga syang mayabang kaya sya napapaaway at hindi ko na kasalanan yun! Tama! Ako ang kaibigan nila kaya for sure kahit bawiin ko pa man ang sinabi ko hindi sila magagalit! Yeah right! Thats right Ash! Shes not your responsibility after all.. wala ka namang kinalaman sa kanya kaya—'

"OMG! Pano kung abangan sya ni Drummer! Waahh! Thats creepy!"

"Nako oo nga! Naalala mo yung ginawa nya dun sa transferee na nag bigay ng chocolate kay Aira?! Grabe halos mapatay na nya yung lalaki!"

"Oo nga! Eh samantalang nilalandi rin naman yun ni Aira! Pero siguro naman hindi nya gagawin yun kay Nerdy kase babae naman yun."

"Ano kaba! Nakita mo na nga yung ginawa nya kahapon eh! Nasundan pa! Kawawa naman si Nerdy buti at nakakaya pa nyang pumasok dito! Kung ako yun, malamang nag drop na ko!"

"Eh may hero naman sya eh. Waahh!! Ang gwapo talaga ni Nixon my love!! Ang swerte swerte nya! Hindi pa sya ngumingiti pero parang nalalaglag na yung panti ko! Waaahhh!!!"

"True sis!!! Grabe ang lakas ng dating nya! Kahit buntisin nya lang ako at hindi panagutan ayos lang! Waaaahhh! Ang sw—"

"Hoy! Kayo!"
Sigaw ko sa kanila na ikinagulat naman nila.
"Sinong may sabi sa inyong mag usap kayo ng kung ano anong kabalbalan dyan?! Kadiri kayo! For petes sake! Bakit hindi kayo mag pabuntis sa mga tambay dyan sa labas ng mabawasan yang kakatihan nyo! Get lost!"

Nakita ko pa ang tila pag asim ng mukha ng isa pero hindi nya ring nagawang lumaban sakin at hinila na sya paalis ng kasama nya.

"Tara na. Wag ka ng lumaban.."
At sabay silang umalis.

Inis naman akong humarap kay Zay at Sari na parehong nakatingin sakin.

"What?!"
Inis na tanong ko sa kanila.

Sabay pa silang umiling at ngingiti ngiti.

"Kakaiba ka na talaga"
Si Sari

"At ano na namang ginawa ko?!"

"Ang sunget mo na kase lately eh."

"Tss! Hindi nyo ba narinig ang mga pinag sasasabi ng dalawang yun?! Gosh! Napakababoy!"

"Ash, calm down."
Si Zay pero inirapan ko lang sya.
"Masyado ka namang mainit eh. Sumasabay kapa sa panahon. Hahaha"

"Hahaha. Lagi na lang syang galit lalo na pag dating kay NERDY."
Si Sari na diniinan pa ang huling salita.
"Minsan iniisip ko kung nag seselos ka eh. Hahaha! Ooops! Kanino ba? Kay NERDY o kay NIXON? Hahahahaha"

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon