115

1.9K 75 2
                                    

ASTRID

"Good morning sunshine!!"
Masayang bati ko tyaka nag unat unat.

Sa tagal ng panahon ngayon lang ako nakatulog ng payapa at gumising ng sobrang saya.

Bumangon ako at agad na binuksan ang beranda at tumambad sakin ang napakagandang tanawin. Napaka ganda ng kulay ng dagat, blue at green at napaka puti ng buhangin.

Hindi ako magaling mag describe pero sobrang ganda talaga. Napaka relaxing ng dating, napaka kalmado lang sa pakiramdam.

Mabilis na tumakbo ako papunta sa CR at nag hahumming pa habang naliligo. Hindi naman ako natagalan sa pagpili ng damit dahil halos lahat naman ng nasa isa kong maleta ay pwede kong gamitin para sa moment na to.

'Siguro si Mom ang nag dala ng mga gamit ko na to. As in kumpleto kase eh!'

Hindi na ko nahirapan sa pagpili. Pinili ko ang white button-down na may black lining at naka imprint na gorgeous at isang black shorts at sandals. Umikot ikot pa ko sa harap ng napakalaking salamin at bawat anggulo ay tinignan ko. Nag lugay lang ako and...

"Perfect!"

Hindi na ko nag abala pang mag dala ng bag dahil dagdag bitbitin lang. Tanging cellphone at sarili ko lang ang dala ko at lumabas na. Saktong pag bukas ko ay nasa labas na si Kim.

"Aba! Summer na summer ah! Tyaka iba yang ngiti mo ngayon ah! Parang kahapon lang di maipinta yang mukha mo!"

"Good mood na ko kaya wag mo ng sirain please."
Mataray na sabi ko at inirapan pa sya. Napatingin naman kami ng bumukas ang pinto sa katapat kong kuwarto.

"Good morning pogi!"
Bati ni Kim kay Nixon.
"Ang gwapo natin lalo ah!"

"Im always like this Kimora."
Parang natural lang na sagot nya.

'Tss. Mayabang din.'

Pero infairness ang gwapo nya nga sa soot nya.

Nakaprinted red top sya at may sando sa loob na may nakasabit na shades tapos naka black shorts sya at black beach shoes sya.

'Not bad.'

"Lets go. Kanina pa nandun si Claude sa baba."
Yaya nya samin.

"Excited talaga yang kapatid mo no?"
Si Kim.

"Wait! Nandun na rin ba si Nerdy?"
Tanong ko kaya nahinto sila sa pag lalakad.

"Nako! Malamang nandyan pa yun sa loob at tulog pa!"
Si Kim.

"Tulog pa tapos hindi nyo man lang gigisingin?"
Takang tanong ko pero tinawanan lang ako ni Kim.

"Kung gusto mong gisingin bahala ka! Pero sinasabi ko sayo halimaw ang babaeng yan pag inaabala sa pag tulog."
Natatawang sabi ni Kim.

'Tss. As if namang matatakot nya ko.'

"Why dont you try to wake her up?"
Biglang tanong ni Nixon kaya sabay kaming napalingon sa kanya ni Kim.
"Maya maya dadating na si Mang Tino and we should take breakfast together."

'Naisip mo pala yan pero parang wala ka namang balak gisingin ang kapatid mo! Pero ayos lang... pabor sakin!'

"Sure. No problem."
Todo ngiting sabi ko.

"Okay. Bababa na kami. Sumunod na lang kayo."
Si Nixon at nauna ng mag lakad.

"Nako! Goodluck sayo!"
Si Kim pero napairap na lang ako.
"Kapag hindi ka sinaktan ng babaeng yan kapag ginising mo magdiwang kana kase ibig sabihin nun may pagasa ka."

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon