030

2.2K 59 2
                                    

ASTRID

Nasa ganoon kaming sitwasyon ng lumapit samin si Pat.

"Nice.. ang sisipag mag aral ah. Hahahaha. Am i disturbing?"
Si Pat.

"Its okay.." si Zay.

"Bakit nasa labas ka? Wala rin kayong klase?"
Si Sari.

"Meron pero excuse eh. May meeting daw tayo."

"What? But why?"
Tanong ko pero nag kibit balikat lang sya.

"I dont know. Basta pinapatawag tayo ni coach sa gym. Sinusundo ko lang kayo. Lets go."

"Ngayon na talaga?"

"Yup. Tara na."

Inayos lang namin ang mga gamit namin at sumabay na rin kami kay Pat papuntang gym.

Bahagya akong nagulat nang makita naming andami na palang tao sa loob ng gym. Nasa gitna si Caroline at Aj habang may hawak ng mic at sa tabi nila ay nakaupo si... daddy.

Kinabahan ako bigla dahil hindi pa kami nakakapag usap ni Dad.

"Dito tayo, guys."
Si Pat.

Sinundan lang namin sya at ngayon ko lang napag tanto na kami na lang pala talaga ang kulang dahil kumpleto na ang team namin.

"Anong meron?"
Tanong ko kay Kezia habang nakatingin sa maraming students sa harap ni Dad, ni Grace at nila Caroline.

"Ewan ko. Mga transferee yan eh."

"Duh, obvious naman sa soot nila no."

"Baka may announcement."

"Baka tungkol sa uniform nila."
Si Dona.

Naagaw naman ang atensyon namin ng may pumalakpak.

"Okay team, regular na ang magiging practice natin ngayon dahil napaaga ang ICAM natin. Hindi na natin itutuloy ang sport fest dahil na move ang sched ng main event."

"Ha?!"

"Hala?! Di nga coach?!"

"Seriously?!"

Reklamo ng mga team mates namin. Nanatili naman kaming nakikinig lang na tatlo pero hindi ko rin maitatangging nainis ako sa ideyang yun. Ibig sabihin lang nito kailangan na talaga naming mag focus sa training. Sayang lang ang sportsfest pero sabagay, hindi na bago yun dahil madalas sa ICAM lang talaga naka focus ang lahat.

"Late na kayo nakakauwe dahil kailangan nating mag laan ng oras oras para sa matinding training. At maaga naman kayong papasok 30 minutes ahead sa sched nyo. Okay ba yun team?"

"Yes coach!"

'Ano ba yan! Mababawasan yung time namin ni Ryker para sa isat isa."

"Astrid!"

'Bakit pa kase umalis sya sa billiard eh!'

"Ash!"

'Edi sana mag kasama parin kami kahit minsan lang.!'

"Hoy Ash! Kanina kapa tinatawag!"
Si Sari na bahagya pa kong tinulak.

"S-sorry.. what is it again?"

"Are you with us, Astrid?"
Si Coach.

"S-sorry coach..."

"Okay ka lang ba?"

"Y-yes coach. May iniisip lang po.."

"For sure, si Ryker yan! Hahaha"

"Hahahaha"

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon