131

1.5K 70 5
                                    

131

********

LEIGHTON

Matapos ang klase ay sabay sabay na kaming pumunta ng parking lot.

"Mga bakla! Hindi ba tayo tatambay muna?"
Tanong ni Jay habang patuloy kami sa pag lalakad.

"Nako! Palibhasa at hindi nakasama sa huling gala! Hahahahah!"
Asar sa kanya ni Aj.

"Oo nga! Ako din!"
Sang ayon ni Amya.

"Pwede naman. We can go some other place."
Pag sanggayon din ni Zay. Hindi naman nakatakas sakin ang bahagyang pagpula ng pisngi ni Amya.

"Yiieehhh! Gusto ko yan! Tapos by partner ulit tayo!"
Kinikilig na sabi ni Sari.

"No way! Im out!"
Agad na sabi ni Aj kaya nag tawanan sila lalo na ng sumimangot si Sari.

"Hindi rin kami puwede. Maaga kami ngayon sa Resto."
Sabi naman ni Kim na tumingin pa sakin.

"Aww. Sayang naman.."
Pang hihinayang nila.

"Leigh, kitakits na lang sa resto?"
Baling sakin ni Kim at tinanguan ko lang sya. Halos sabay sabay na rin naman silang nagsi sakayan sa mga sasakyan nila at kanya kanya ng busina.

"Bakit ang hilig mong paunahin silang umalis?"
Salubong ang kilay na tanong ng katabi ko.
"Siguro, gusto mo kong masolo no???? Yiiieehhhh ikaw ha!"

"Tss."
Inismiran ko lang sya at maingat na sinuotan ng helmet. Para kaming artista na pinag titinginan at pinag uusapan ng mga estudyanteng nakakakita samin.

"Uuwi na tayo?"
Takang tanong nya na inangat ang salamin ng helmet.

"Uuwi kana."
Pag tatama ko at sumakay na sa motor ko.

"Mag date muna tayo!"

"Tss. Hindi mo ba narinig, may trabaho pa kami."
Inirapan nya lang ako at padabog na umangkas sa motor ko.

Hinatid ko sya sa kanila at hanggang sa makarating kami ay nakabusangot parin sya.

"Kailangan bang ganito kayo kaaga dun?"

"Hmm. Sige na, pumasok kana."

"Hanggang anong oras ka dun?"
Parang batang tanong pa nya.

"Depende sa dami ng costumer."
Sagot ko na lang.

"Wag kang mag papagod ha!"

"Hmm. Pumasok kana."

"Itetext kita! Dapat mag reply ka! Tatawagan din kita!"

"Tss. Stupid. Edi hindi na ko nakapag trabaho?"
Napangisi ako ang mas lalo syang sumimangot.

"Fine! Basta wag kang masyadong mag pagod!"

"Oo na. Pumasok ka na nga."
Inis ng sabi ko tyaka sinuot ang helmet ko.

"Ingat ka ha."

"Hmm. Bilis na. Pasok na."
Utos ko pa dahil hindi ako makakaalis hanggat nandito sya.

Kumaway pa sya sakin bago tumakbo papasok. Bumusina naman ako bago pinaharurot ng motor ko. Dumeretso na ko sa ShareHauz at agad dumeretso sa locker room. Nag palit na ko ng damit at naabutan ko naman si Ced na mukhang hinihintay ako.

"Uy, bakla. Sensya na talaga ha. Kulang kase sa tao kaya hindi ko kayo pwedeng bitawan agad eh."

"Ayos lang."
Sagot ko na lang habang inaayos ang sleeve ko.

"Salamat talaga bakla! Nako heto nga at maaga pang aalis sila Dwain at Reg. Lalo tuloy mag kukulang sa tao!"
Hindi na lang ako umimik sa kanya at lumabas na.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon