ASTRID
Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Gusto ko talagang sabay kami ni Nerdy na pumasok pero hindi ko naman alam kung anong oras syang papasok at hindi ko rin alam kung saan ang bahay nya para sabayan sya.
Nanatili lang muna ako sa loob ng kotse ko ng hindi mapansin ang motor nya sa usual spot na pinaparkingan nya.
Hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyare kahapon. May parte sa dibdib ko na masaya ako at walang nangyare saming lahat lalo pat at minsan ko na silang nakilala at sa tingin ko kaya talaga nilang pumatay pero hindi ko parin maiwasan ang mainis.
Alam kong hindi dapat pero puro selos ang naramdaman ko kahapon.
Una, dahil sa mga ginawa ni nerdy. Kahit alam nyang pwede kaming mapahamak, niligtas parin nya ang taga Ludovic na yun. Hindi naman sa gusto kong may mangyare sa babaeng yun pero kase pwede namang tumawag na lang kami ng tutulong diba? Yung mas matanda samin at yung mas may kakayahang iligtas ang babaeng yun.
'Pano kung hindi dumating ang mga Kellen?! Malamang napahamak na kami!'
Pangalawa ay nung makarating na kami sa deans office. Hindi ko inaasahang nandun si Cadence at nakakainis aminin pero hindi ko talaga matagalan na mag kalapit o kahit na mag katinginan lang silang dalawa.
'Naiirita talaga ko!'
Kitang kita ko ang matinding pag aalala ni Cadence sa kanya at naiinis ako na isiping ni hindi ko man lang nakamusta ang babaeng gusto ko.
Pangatlo ay ang ginawang pag aalala ni Nerdy sa Meerong yun. Alam kong gusto nyang maging doctor balang araw pero hindi ko gusto na makitang sya pa ang gumamot sa mga sugat ng taga Ludovic na yun. Parang binibiyak ang puso ko na makita syang abala sa pag gagamot sa iba samantalang ako ni hindi nya man lang kinamusta.
Nalaman namin na dahil pala sa babae kaya binugbog nila Clank si Meero. Nakipag break daw kase ang girlfriend ni Jhoco sa kanya at nalaman nila na sumasama ito kay Meero yun pala ay dahil mag kaibigan ang dalawa at nag tatago lang kay Meero ang babae sa takot na hanapin sya ni Jhoco. Galit na galit si Dean noon at pinatawag pa ang dean ng Ludovic at ang magulang ng dalawa. Maging ang mga Kellen galit na galit lalo na si President Kellen.
"Hindi ka ba talaga napapagod sa mga ginagawa mo?! You always get into trouble! Palagi ka na lang may gulong pinapasukan at sinisimulan!"
Galit na sigaw ni President Kellen kay Nerdy ng madala na sa ospital si Meero."Ahm, M-miss President... she didnt start the fight. N-niligtas nya lang po si M-Meero."
Pag tatanggol ko kay Nerdy pero hindi man lang nya ko nilingon. Si Nerdy naman ay seryoso lang na nakatingin sakin na para bang sinasabing wag akong makielam."Puro kase yabang ang pinapairal mo! Puro pag mamatapang na wala naman sa lugar! Hindi kaba nag iisip?! Palagi ka na lang kumikilos na para bang wala kang pinag aralan! Ilugar mo naman yang ugali mo!"
Nagulat kami at sabay sabay na napatingin sa kanya ng bigla syang tumayo.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...