055

1.9K 69 6
                                    

LEIGH

Sa wakas ay natapos narin ang practice namin at kahit kanina ko pa gustong umalis na lang ay hindi ko magawa dahil buong pratice ay nanood samin sila Dean at Mr. Flojo.

"Wow. You're really good. Well, lahat naman kayo. Nakakatuwa lang na may magagaling din pala tayong player na babae."
Sabi ni Dean. Nag pasalamat naman silang lahat maliban sakin na abala sa pag ligpit ng tisa ko.

"Finally Dean, may player na rin tayong maipang tatapat sa ibang school."
Si Mr. Flojo.

"Yeah. Hindi ako nanghihinayang na pinanood ko kayong lahat. May mga konting miss lang pero iyan nga ang purpose ng training, para mahasa ninyo ang skills nyo."

Nag pasalamat lang sila kay Dean pero nanatili lang akong tahimik. Maya maya ay naramdaman kong lumapit si Dean sakin kaya agad ko syang nilingon.

"Are you okay, Miss Ton?"

"Hmm.."

"Ah, hehe. Baka sumasakit lang po ang ulo kaya nananahimik."
Pag singit naman ni Kim.

"Kung hindi mo kaya ay pumunta ka muna ng clinic para—"

"Im okay."

Siniko naman ako ni Kim.

"Ahm, Dean dont worry. Ako na pong bahala kay Leigh. Hehehe."

"Osige. Pero gusto ko lang sabihing, masaya ako na naging tama ang desisyon kong ipasok kayo sa team. Maganda ang pinakita nyo kanina."

"Nako Dean, warm up pa lang po yan. Hahaha. Wala lang po yan kay Leigh. Hintayin nyo po kapag nasa mood na yan. Mapapanganga po talaga kayo."

"Well, aasahan ko yan. Hahaha."

"Syempre naman po Dean."

"Anyways, dumating na nga pala ang uniforms nyo. Pasensya na at medyo na late dahil medyo nag karon lang ng aberya."

'Nice! I guess another spotlight again for me.'

"Hehehe. S-salamat po Dean."

"Your welcome. Mas magmumukha na kayong estudyante talaga ng ZIPS dahil sa uniform nyo."

"Hehehe. Opo nga po eh."

"Osya. Sige na. Go to your classes now."

"Sige po Dean."

"Bye Dean."
Sila Glenn at Rico na nauna na saming mag lakad palabas ng hall.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?"
Tanong ni Kim ng mag lakad na kami papunta sa building namin.

"Hmm."

"Gusto mo bang dumaan muna tayo sa clinic?"

Hindi ko na lang sya pinansin at mukhang nahalata naman nyang ayokong makipag usap kaya tumahimik na lang sya.

Unti unti na ring dumadami ang mga estudyante at tulad ng nakagawian, hindi na namin sila pinansin. Dumeretso muna kami sa locker area para kunin ang ilang gamit namin at para iwan na muna ang tisa namin.

'Mahirap na, baka mabali pa. Makakabali din ako ng buto pag nag kataon.'

"Girls, did you heard the news?!"
Bulong ng isang babae hindi kalayuan samin.

"About what?!"

"About that ugly nerd bitch!"

'Kahit hindi ko tignan ay alam kong ako ang pinag uusapan nila.'

"Why?!"

"Your not gonna beleive this! Shes married!"

"What?! As in, kasal talaga?!"

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon