ASTRID
Lumipas pa ang ilang araw at so far so good! Parang biglang nag bago ang takbo ng mundo at hindi ko alam kung sadyang malakas lang ako kay Lord o naawa sya sakin kaya naman minagic nya si Nerdy at nag kakaron na ng mas malaking improvement sa kanya. Well, hindi na mawawala ang pagiging masungit at snabera nya pero unti unti na rin syang nagiging sweet sakin.
Unti unti na rin napapansin ng nga kaibigan nya ang kakaibang treatment namin sa isat isa at hindi ko alam kung handa na ba akong ipaalam sa lahat na gusto ko si Nerdy. Once kase na may nakaalam, kahit isa lang kakalat parin yun dahil marami akong kaaway, maraming naiinggit sakin at malamang makakarating to kila dad at mom. Ang masaklap pa ay makarating kay chairman at malamang aabot na rin ang balita sa mga Kellen at yun ang kinakatakot ko.
Sa tingin ko ay nagiging malapit na ulit sya sa pamilya nya dahil madalas nga itong ipatawag ni Chairman kahit sa kalagitnaan ng klase nila base sa kuwento ng mga kaibigan nya. Natatakot ako na baka dahil sakin masira ulit ang bumabalik na tiwala sa kanya ng pamilya nya. Isa pa, mas magandang ipaglaban ko sya sa pamilya ko sa oras na gusto na rin nya ko.
'Mahirap na basta na lang mag expect.'
Gustong gusto ko talagang ipaalam sa lahat kung gano ko kagusto si Nerdy pero hindi ko magawa. Alam ko palaki na ng palaki ang chance ko kay Nerdy lalo pat ngayon ay talagang hinahayaan nya na lang akong gawin ang mga bagay na gusto ko. Kapag sinusundan ko sya, hindi nya na ko tinataboy, kapag lalapitan ko sya hindi na sya nagagalit at kapag palagi ko syang sasamahan hindi na sya nag susungit di tulad noon na kulang na lang ay ibalibag ako para lang ilayo sa kanya.
Malalim na napabuntong hininga na lang ako at sinara na ang locker ko.
"Woah! Ang lalim nyan girl! Baka malunod ka! Hahahah!"
Pang aasar ni Sari."Gusto mo ikaw ang lunurin ko?!"
Inis na sabi ko sa kanya."Ay! Bat ang sungit mo?! Nag away na naman ba kayo?! Or baka lumayo na talaga sayo?! Sabi ko na marerealize nya talagang never ka nyang magugustuhan—"
"Hey!"
Malakas na siga ko at wala akong paki kung lahat ay nakatingin sakin, basta galit ako.
"Wag na wag mong sasabihin sakin yan o talagang kakalbuhin kita!!!"
Duro ko sa kanya kaya mabilis na nag tago sya sa likod ni Zay habang nag pipeace sign.'Ayokong sinasabi nya yan dahil baka may kung anong engkantong makarinig sa kanya at matupad ang sinabi nya!'
"Kapag ako talaga hindi nagustuhan ni nerdy humanda ka sakin."
Madiing sabi ko sa kanya."Easy... ang lakas talaga ng tama mo sa kanya."
Natatawang sabi ni Zay."Nakakainis kase yan eh! Mamaya mag dilang engkanto yan at matupad ang sinasabi nya!"
Reklamo ko."Dilang engkanto? Diba dilang anghel yun?"
Nalilitong sabi ni Sari pero napairap na lang ako."Bakit ba kase nakabusangot ka na naman?"
Tanong na lang ni Zay habang pinapalitan ang nga gamit na nasa bag nya para sa next subject."Wala... iniisip ko lang na ang hirap pala talaga ng pinasok ko."
Malungkot na sabi ko."Ginusto mo yan eh, then panindigan mo!"
Si Sari."Alam ko! Kaya ko namang panindigan eh! Its just that... natatakot lang ako na may masasaktan sa magiging desisyon namin."
"Ash, any decusion you make, whether it is to pursue loving her or stop that feelings, may masasaktan at masasaktan parin. All you have to do is to be prepared."
"Oo nga."
Sangayon ni Sari.
"Isa pa, naniniwala naman akong hindi ka magugustuhan ni Leigh kaya bakit ba naiistress ka dyan?""Ikaw!!!"
Bago ko pa sya mahuli para kalbuhin ay tumakbo na sya palayo samin. Kung nasa mood lang ako para kalbuhin sya kanina ko pa sya hinabol kaya naman masuwerte sya ngayon at mga mata ko lang ang papatay sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...