LEIGHTON"Huy, Leigh! Ano ngang nanyare?! Bakit si Cadence ang nag hatid sayo?!"
Pangungulit ni Kim.Hindi ko sya sinagot at tumuloy lang ako sa pag pasok sa staff room. Kahapon pa sya nangungulit at konting konti na lang tatamaan na talga sya sakin.
Nung gabi kaseng yun tumawag sa kanya si Nixon para mag sorry at naiwan daw ako. Hindi ko na sana sasabihin kay Kim ang tungkol sa pag hatid sakin ni Cadence pero masyadong malakas ang panrinig nya sa Chismis.
"Leigh naman. Dali na!"
"Oras ng trabaho."
Sabi ko na lang at nauna ng lumabas ng staff room.Friday ngayon kaya maraming costumer. Isang linggo na lang ay mag start na ang ICAM kaya medyo hectic na ang sched namin kaya madalas late na kami nakakapasok dito sa ShareHauz.
Hanggang ngayon, tuwing naaalala ko ang mga sinabi ni Cadence hindi ko maiwasang mainis. Pakiramdam ko pinaglalaruan ang buhay ko. Pakiramdam ko kahit nakawala na ko sa mga Kellen, pakiramdam ko hawak parin nila ko sa leeg at nagagawang pasunurin. Hindi ko inaakalang sa sobrang kasakiman ng Celeste na yun ay nagawa nya kaming lokohing pareho ni Cadence.
"Leigh!"
Tinignan ko ng masama si Kim."Isa pang sigaw sa tenga ko."
Inis na sabi ko sa kanya."Sorry na! Hahahha! Tulala ka kase eh! Okay ka lang ba?!"
Sigaw nya pero malayo na sa tenga ko. Naiintindihan kong kailangan nyang sumigaw pero ang sumigaw sa tenga ko ang hindi. Malakas kase ang tugtog sa bar na to kaya kailangan talagang sumigaw para magkarinigan.
"Anong table?"
Tanong ko na lang na kinuha na ang isang tray."Table 5!"
Tinalikuran ko na sya at dinala ang order.
"Heres youre order sir. Just press the button if you have more orders."
Magalang pero pilit ang ngiting sabi ko."Thanks. Whats your name?"
Tinignan ko naman sya ng masisinsinan. Sa tantya ko ay hindi nalalayo sa edad ko ang isang to samantalang yung dalawa nyang kasama, sa tingin ko ay nasa 20's na sila. Mga mukha namn silang desente tignan."Different from yours."
Seryosong sagot ko at mabilis na tinalikuran sila.'Tss. Asa naman syang ibibigay ko pangalan ko sa kanya.'
Nag patuloy pa ang pag seserve ko dahil habang lumalalim ang gabi ay mas dumadami ang mga costumer. Dito sa ShareHauz ay paikot ang trabaho namin. Minsan waiter, minsan bartender, at minsan ay sa kitchen at ang malas ko dahil serving ang trabaho ko ngayon kaya kailangan kong sootin ang maskara ko.
"Leigh table 10!"
Tawag sakin ni Kim na syang nasa counter.Kinuha ko ito at dinala sa taas kung saan naroon ang table 10. Malayo palang ay nakakarinig na ko ng aroganteng boses.
"Ano bang pakielam nyo?!"
"Dude, hindi allowed ang PDA dito!"
"Mind your own business pare!"
Hindi ko na lang pinansin ang mga nasa kabilang mesa at nakangiting inabot ko ang order ng nasa table 10.
"If you need anything, just press the button."
Sabi ko at umalis na. Muli kong nadaanan ang nasa table 13 kung saan parang uhaw na nag hahalikan ang isang babae at yung maingay kanina. Hindi ko na lang sila pinansin tutal halikan lang naman. Isa pa hindi ko ugaling mangeelam sa business ng iba.'I mind my own business, you know.'
11:45 na at unti unti ng nauubos ang baon kong kaplastikan. Madalas ay hindi ko na nginingitian ang mga costumer namin at wala akong paki kung anong sabihin nila. Karamihan naman sa mga costumer na narito ay mga loyal costumer ng ShareHauz kaya malamang sanay na sila sa ugali ko. Alam kong kilala ako bilang isang seryoso at piping waitress dito pero mga hindi naman sila nag rereklamo. Alam din nila ang kaya kong gawin lalo na sa mga siraulong costumer kaya walang nag tatangkang mang gulo dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/207478663-288-k232139.jpg)
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...