045

1.9K 67 1
                                    

LEIGH

"Mommyyyyyyyy!!!!"

Yan agad ang bumungad ng makababa kami ng hagdan. Yumakap sya kay Astrid at niyakap naman sya ni Astrid pabalik at sobrang laki ng ngiti nya. Lumuhod sya para mag pantay sila nung bata.

"Namiss kita, mommy."
Sabi nung batang lalaki.

Sya yung batang kasama niya sa arcade na inasar ni Kim na anak nya.

"Not now baby. Busy pa kase si mommy eh. Promise bukas babawi ako"

"Then ill wait. Dito naman ako mag sleep eh."

"Aw. Id like too. Kaso marami talagang kailangang tapuson si mommy eh. Mag aaral pa si mommy."

"Anu bayan.. mama is busy, mommy is busy too. Wala pa si kuya Brent.. huhuhuhu"

"Mc, ano kaba. Kailangang mag aral ng mommy Dry mo."
Sabi ni Nanay Lorna.

'Nice. Para syang maamong tupa at mabait na tao kapag bata ang kaharap. Ni hindi mo iisiping isa syang maldita sa asta nya ngayon.'

Pinanood ko lang silang dalawa. Sa unang tingin, mapapagkamalan mo talagang totoo silang mag ina dahil ang sweet nila sa isat isa. Naisip ko tuloy kung kaano ano nga ba talaga nya ang batang to.

Hindi na ko nagulat ng bigla akong hilain ng Mrs. Bryleighn.

"Hayaan mo na sila. Dito tayo Leigh -honey."
Nakangiting sabi nya. Nag patianod na lang din ako sa kanya.

"I cooked chicken curry, beef steak and pork adobo.. for sure magugustuhan mo.."
Nakangiti paring sabi nya habang inaalalayan akong umupo.
"Lets have dinner na. Masamang pinaghihintay ang pagkain!"
Pag tawag nya sa iba pa.

Pumunta na rin sila Nanay Lorna kasunod sila Astrid at yung bata. Katabi ko ang mommy ni Astrid at kaharap ko si Astrid katabi yung bata at si Nanay Lorna.

"Here, wag kang mahihiya ha. Kumain ka ng madami."
Nakangiting sabi ng mom ni Astrid habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

Tinignan ko lang sila na seryosong nag dadasal. Sumubo ako ng pagkain at hindi ko na napigilang lingunin ang matang kanina pa nakatitig sakin. Mukhang napansin ni Astrid ang titigan namin kaya nag salita na sya.

"Mc, s-she's.. ahm. S-she's a-ate Leigh pala. She's my schoolmate."
Pag papakilala sakin ni Astrid pero nanatili lang kaming nakatinging sa isat isa.
"Ahm.. he's Mc, my nephew. Anak sya ng cousin ko."
Pakilala nya sakin sa batang tila sinusuri ako.

"Mc, dont stare at ate Leigh.. baka hindi sya makakakain nyan. Lets eat na.."
Sabi ng mommy ni Astrid.

Hindi ko na lang sya pinansin at kumain na. Masyado nang late kaya kailangan na naming mag madali. Paminsan minsan ay nag kukuwentuhan sila pero nanatili akong tahimik.

"Mommy."

"Hmm?"
Si Astrid habang umiinom.

"Sya po ba yung jowa mo?"

Muntik pang maibuga ni Astrid ang iniinom nya dahil sa gulat kaya mabilis na pinunasan nya ito ng napkin. Tinignan ko lang yung bata.

"W-what?"
Tila hindi makapaniwalang tanong ni Astrid.

"Sabi ko po. Kung sya po ba yung jowa nyo."

"O-of course not.. Mc, shes my shoolmate."

"Sya po ba yung nanliligaw sayo?"

"What? Ano ba yang mga sinasabi mo, Mc."

"Why? Im asking lang mommy."

"Mc."
Tawag sa kanya ni Nanay Lorna.
"Nasa harap tayo ng pagkain.. tyaka kailangang kumain ng Mommy Dry mo."

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon