012

2.4K 77 3
                                    

LEIGH

"Leigh. Ayaw mo ba talagang sumali ng billiard?"

Pamimilit sakin ni Kim.

"Kumpleto na lahat ng sports, billiard na lang ang kulang. Pati ang mens division okay na, womens division na lang."

Hindi ko sya sinagot at nanatili parin ang tingin sa harap. Nakikinig lang samin sina Aj at tila ayaw makisali sa pagtatalo namin ni Kim. Friday palang, simula ng iannounce ang billiard ay agad syang nag palista. Paulit ulit din nya kong pinipilit na sumali pero paulit ulit ko lang din syang hinindian.

"Uy. Leigh. Kahit ako n gumawa ng mga assignments mo. Sige na. Hindi kase kami makapag start dahil kulang"

Huminga ako ng malalim at seryoso syang tinignan.

"Kim, ayoko nga. Isa pa hindi na kaya ng sched ko. May Matrix na ko."

Hindi naman na sya sumagot dahil alam nyang talo din sya. Sobrang dami ko na ngang ginagawa dadagdagan nya pa. First day pa lang kase ay pinapili na kami ng mga clubs na sasalihan namin. Required sa mga estudyante ang may salihan kahit isa lang. Maliban dun, nung nag enroll pa lang ay nag pa member na ko ng Matrix. Isang Dance club dahil maliban sa hilig ko ang pagsayaw ay nakatulong ito para mabawasan ang tuition ko.

"Ahm. Excuse me ano," pag singit ni Aj. "pwede naman sigurong sabay. I mean. Hindi naman buong araw ang practice ng billiard, so after nun, edi sa Matrix kana ulit"

Tss. Buti kung yun lang. Eh may work pa nga ako after.

Hindi na lang ako sumagot. Kanina ko pa iniisip ang naging usapan namin ng dean. Kahit kase si Mr. Flojo ay tinanggihan ko kaya naman si dean na mismo ang kumausap sakin. Mukhang desperado na talaga silang magkaroon ng player kaya naman ganun na lang ang mga binigay nyang incentives.

"Kim!"

Pagtawag sa kanya ng isa sa kaklase namin. Pero talagang bad trip si Kim kaya naman bahagyang nagulat ang lahat.

"Oh?!"

"P-pinatatawag kayo ni dean"

"Kayo? O ako?"

"Kayo daw ni Leigh. Tawag kayo sa office."

Kahit may ideya na ko kung bakit, hindi ko parin naiwasang mag tanong.

"Bakit ako?"

"Aba malay ko. Napagutusan lang ako."

Tumingin naman ako kay Kim na bahagya ng umayos ang mukha. Sabay kaming pumunta sa office ni dean at tama nga ako ng hinala.

"Goodmorning dean."

Bati sa kanya ni Kim habang ako ay dumeretso na ng upo.

"Pinatawag nyo daw po kami?"

Magalang na tanong ni Kim. At bahagyang tinapik ang hita ko ng dumekwatro ako.

"Ah, yes. Aware naman na kayo sa kalagayan ng sports natin ngayon kaya naman talagang desperado na kaming mag karoon ng players. Next friday will be the dead line for passing the complete lists of athletes, at kapag hindi yun napasa on time, masasayang lahat ng effort ng ZIPS lalo na ng ibang athletes."

Si Kim lang ang kausap nya at nakikinig lang ako sa kanila.

"So, nakapag decide kana ba? Miss, Leigh?"

"Its still a no."

Kaswal lang na sabi ko sa kanya.

Nabalot naman ng katahimikan ang buong office nya bago muling nag salita.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon