113

1.7K 63 3
                                    

ASTRID

Lumipas ang mga araw at dalawang araw na lang matatapos na ang ICAM at babalik na naman ulit ang lahat sa pagiging abalang estudyante.

Sa loob ng ilang araw ay hindi ko maiwasang malungkot dahil pakiramdam ko iniiwasan na ko ni Nerdy. Yung huling pag uusap namin ay nung madaling araw sa ospital bago nya ko tulugan. Halos hindi ako nakatulog dahil sa sinabi nya kaya naman kahit hindi pa lumalabas ang araw ay walang paalam na umuwi ako sa bahay. Sinalubong pa ko ng tanong nila mommy at kuya pero mabuti na lang at kinagat nila ang sinabi nila Sari na pag oovernight namin.

Hindi naman ako ganun kaapektado sa sinabi nya dahil habang tumatagal nga naiisip ko na lang na defense mechanism nya lang ang pag tataboy sa iba para hindi sya masaktan kaso kailangan ko ding mag isip isip lalo na kung paninindigan ko ba ang nararamdaman ko.

Mukhang inlove na ata talaga ko sa kanya kase isang oras palang ang lumipas ng makauwi ako ng araw na yun ay hindi ko rin kinaya na hindi sya makita kaya matapos maligo at mag ayos ng sarili ay binalikan ko sya sa ospital pero hindi ko na sya naabutan.

Simula nun napansin ko na ang pagiging malamig sakin ni Nerdy. Palagi akong gumagawa ng paraan para kausapin sya pero kahit anong pangaasar ko hindi umuubra para pag salitain sya. Madalas din syang kumakain sa labas kasama ang mga kapatid nya at konti na lang talaga iisipin ko ng umiiwas lang sya.

Palagi silang may pinag uusapang hindi dapat marinig, palagi silang may ginagawa na hindi dapat makita.

'Konti na lang mag bibigti na ko sa sobrang depresyon pero masyado akong maganda para sa ganung mga bagay.'

"Si nerdy?"
Excited na tanong ko kay Kim ng matapos ang game namin.

"Tinawag ni Nixon. Kakausapin daw sila ni Chairman."
Agad na napanguso naman ako sa sinabi nya.

"Ano ba yan! Palagi nalang!"

"Aba mag tiis ka! Alagad ni Chairman yung ginusto mo eh!"

"Wag ka ngang maingay!"
Sita ko sa kanya dahil baka may makarinig sa kanya.

Binati pa kami ng kung sino sino bago kami sabay na tatlong pumasok ng CR para mag palit.

"Finals na lang! Gosh im so excited!"
Si Sari ng makapasok na kami sa kanya kanya naming cubicle.

"Were fighting Ludovic again."
Si Zay.

"Oo nga! Gosh mahigpit na laban to!"

"Dont tell me Sari, kinakabahan ka sa kanila?"
Tanong ko habang nag papalit ng damit.

"Medyo! Hahaha! Magagaling kaya sila!"

"Tss. But were better than them."
Mayabang na sabi ko.

"Sus! Eh palagi ka ngang out of space kakaisip ka-"

"Shut the hell up Sariyah!"
Agad na putol ko sa kadaldalan nya.
"Wag mo kong simulan nyang pang aasar mo!"

"Oopps! Hahahah! Sorry. Pero totoo naman eh."

Napairap na lang ako sa sobrang inis at hindi na lang umimik. Nang matapos ay lumabas na ko ng cubicle. Nag babad muna ako sa salamin para ayusin ang magulo kong buhok.

"Sis. Una na ko. Ang ingay na ni Kimora sa labas."
Si Sari kaya natawa na lang ako.

Kanina pa kase sigaw ng sigaw si Kimora at kahit dito ay rinig na rinig ang maingay nyang boses.

Tinutupi ko na ang mga hinubad ko at isa isang nilalagay sa bag ko ng lumabas na si Zay sa cubicle nya.

"Are you sure youre okay?"
Tanong nya na wala sakin ang tingin. Hindi ko naman pinahalatang nagulat ako sa tanong nya at ngumiti na lang.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon