ASTRID
Mabilis na tumalikod ako sa kanila ng makita ang pag hihiwalay mismo ng katawan nila. Pakiramdam ko pinupunit ang puso ko sa nakita ko pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi ako umiiyak.
'Siguro dahil ayokong ipakita sa kanila na mahina ako, na ganun ako katanga sa kanya, na ganun ko sya kamahal.'
Hindi ko alam kung bakit nga ba nandito pa ko at nakatayong nakatalikod sa kanila. Akmang hahakbang na dapat ako palapit sa hagdan pero nahinto ako ng may kamay ang humawak sa pulsuhan ko at agad na pinaharap ako sa kanya. Marahasa na binawi ko ang kamay ko sa pag kakahawak nya. Halatang nagulat sya pero masyado ng nilalamon ng galit ang puso ko. Seryosong tinignan ko pa ang isang traydor na ngayon ay parang walang pakialam sa presenya ko. Abala sya sa pag soot ng damit nya at tinaasan pa nya ko ng kilay ng mapatingin sakin.
"Ash—"
"Wag.."
Agad na sabi ko at bahagya pang umatras.
"Wag mo kong kakapitan.""Ash please let me explain—"
"Sabi ng wag mo kong kakapitan!"
Malakas na sigaw ko na tinulak pa sya sa dibdib ng muli nya kong hawakan sa kamay.
"Nakakadiri ka. Bakit hindi ka muna mag hugas? Mamaya may germs pa yang kamay mo. Kung saan saan ka pa namang dumi kumapit."
Sarkastikong sabi ko na binalingan pa si Stephanie sa loob ng kuwarto."Ash. Please. Just hear me out. Ash.."
Hindi ko sya pinansin at tuloy tuloy lang sa pag baba ng hagdan. Nakasunod lang sya sakin na walang tigil sa pakikiusap na pakinggan ko sya.
"Ash! Please naman oh!"
Parang nagtitimpi ng sabi ni Ryker na agad humarang sa harap ko bago pa man ako tuluyang makalapit sa pinto.
"Ash please. Just let me explain.""Sige. Bilisan mo lang kase nag mamadali ako."
Malamig at walang emosyong sabi ko tyaka nag cross arms. Tinignan ko sya at yung kaninang awa na naramdaman ko ng maalala ang mga sugat nya, biglang nawala. Biglang napalitan ng pan didiri at hinanakit ng maisip kung pano sya hawakan at halikan ng babaeng yun. Agad na nag iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko hindi ko na mapipigilang mapahagulgol sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon."Bilisan mo. Nasasayang na ang oras ko."
Malamig na dagdag ko pa na hindi parin nakatingin sa kanya."Ash. W-wala kaming relasyon ni Steph—"
"Narinig ko na yan. Wala na bang iba?"
Sarkastiko at natatawang sabi ko sa kanya."Ash. Believe me. Wala talaga kaming relasyon ni Cadence at kahit si Steph, wala kaming relasyon!"
"Then what is she to you now? A fuck buddy? —"
"Oo."
Pag singit ng isang babaeng tinuring kong kaibigan na ngayon ay kinasusuklaman ko na. Nakataas ang isang kilay na nilingon ko sya.
"Kung yan ang gusto mong isipin."
Dagdag pa nya."Steph, shut up!"
Sigaw sa kanya ni Ryker na nasa likod ko.
"Pwede bang iwan mo na kami?!""Why? Hindi bat yun naman ang totoo?"
Tanong nya kay Ryker tyaka muling bumaling sakin at plastic na nginitian ako.
"Sa ngayon pwede mong isipin na fuck buddy nya lang ako pero dahil alam mo na ang tungkol samin, then for sure hindi ka naman tanga para makipag relasyon pa sa kanya. At dahil break na kayo, pwede na naming gawin ni Ryker ang matagal na naming pinaplano. Ang mag sama!"
Masaya at tila nangiingit pang sabi nya.'Sapat na ang pagiging tanga ko habang kasama sila. Hindi ko hahayaang patuloy pa silang maging masaya sa katangahan ko.'
Nginisian ko sya at mukhang nagulat pa sya sa naging reaksyon ko.

BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...