ASTRID
Nasa circle kami ngayon dahil mas okay daw na dito nya ko turuan para tahimik.
Nakaupo kami ngayon sa isang bench at hawak nya ang libro ko na tila iniisa isa ang page."Sigurado kabang hindi mo maintindihan to?"
"Sa tingin mo ba hihingi ako ng tulong kung alam ko yan?!"
Inis na sigaw ko sa kanya.'Akala ko ba matalino sya?!'
Tinignan nya naman ako ng seryoso at dahil sa inis ako sa kanya ay sinalubong ko lang ang mga titig nya.
"Wag kang sumigaw, mag kalapit lang tayo."
Yun nga ang nakakainis eh! Bakit kailangang sa isang upuan pa kami nakaupo?! Mukhang mali talaga ang ideyang pumayag ako sa sinabi nya! Kung may ibang choice lang sana ako, hindi ko sya pag titiyagaan.'
"Pengeng papel at ballpen."
Inirapan ko sya tyaka kinuha ang mga hinihingi nya.
"Epekto ba yan ng dalaw mo? Sungit mo eh."
"Pwede bang turuan mo na lang ako? Dami pang sinasabi."
Nginisian nya lang ako tyaka nag tuloy na sa pag sulat.
In all fairness, mukhang alam na alam talaga nya ang trigo at nakakamangha na napakadali kong naintindihan ang mga topic na sakop ng quiz namin.
"Kaya mo naman pala eh."
"T-talaga? Tama yang answer ko?"
"Hmm. Nice. Next topic na."
'Akalain mo yun? Tama talaga ko?!'
Nilipat nya ang page ng libro at bahagyang yumuko para mag sulat ng ilang mga equation. Hindi ko naman maiwasang mapatitig sa kanya.
Ngayon ko lang napansin na maganda pala sya. Nakatagilid sya sakin kaya naman kitang kita ko ang tangos ng ilong nya. Mahaba din ang mga pilik mata nya at in fairness, mukhang makinis ang pisngi nya. Wala syang kahit na anong peklat sa mukha di tulad ng kamay at paa nya.
Nakakainis mang aminin pero mukhang bagay talaga sa kanya ang uniform namin. Babae na syang tignan lalo pat madalas ay nakalugay na sya pero minsan para parin syang tomboy lalo na kapag nag lalakad sya.
"Sa papel ka tumingin, hindi sakin."
Sunod sunod na napakurap ako at bahagya pang lumayo sa kanya ng mag salita sya.
Ganun ba ko kahalatang nakatingin sa kanya? O ganun kalakas ang pakiramdam nya?"T-tapos na ba?"
Pag iiba ko ng usapan.Nakita ko pa syang ngumisi pero hindi na lang ako nakipag talo dahil baka lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.
Pinilit ko ang sarili ko na mag focus sa mga tinuturo nya at nakakapag takang alam nya lahat ng topic namin.
"Bakit alam mo lahat yan? Eh grade 9 ka palang, grade 10 naman ako?"
"Advance study."
"What?! Ganun ka advance?!"
"Hmm. Nasanay na. Sa QIS hindi pwedeng kung ano lang ang alam mo, yun lang dapat. Kailangan marunong ka mag advance study."
"As in ganun dapat ka advance?!"
Balak ata nilang patayin ang mga estudyante nila eh!
"May mga instructors kase na inaadvance din ang topic para daw ready na kami pag dating sa next grade level."
Wow! So ganun talaga sila katalino?! Dito nga na kung ano mismo nag topic ay litong lito na ko sila pa kaya?
'Mga nerd talaga!'
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...