LEIGH
"The one at the back. Are you listening?! Stand up!"
Kinalabit naman ako ng katabi ko.
"'Te, ikaw na."
Unang araw pa lang nag susungit na ang instructor namin. Tumayo ako sa tapat ng upuan ko at tyaka nag pakilala.
"Im Leigh. I hope i learn well."
Walang ganang sabi ko. Bakit pa kase kailangan ng 'introduce-yourself' eh hindi naman nila makakabisado ang mga pangalan namin.
"Thats it?!"
Tila iritableng tanong ng baklang instructor na nasa harap. Nagkibit balikat lang ako at inirapan naman nya ko.
"Ha! Then listen well. Hindi yung nakatulala ka dyan!"
Nag tawanan naman ang iba pero agad din silang tumahimik ng sumigaw ang instructor ng quiet.
Hindi ko alam na ganito pala kaganda ang magiging first day ko. Una yung surprise na pag patid sakin sa gym tapos may mga instructor namang parang mga may regla dahil sa init ng ulo.
"Hi. Im Amya" (Pronounce as Amaya)
Bati sakin ng isang babaeng may magandang ngiti.
"Leigh"
"Narinig ko nga." At bahagya pa syang tumawa.
"Sabay tayong mag lunch ha, okay lang ba?"
Nahihiya nyang tanong.
"Sure. No worries"
Pilit ang ngiting sagot ko.
"Leigh. Dito tayo."
Pag pigil sakin ni Amya ng lumagpas ako sa upuang tinuro nya na nasa gilid.
"Dito ang table namin ng mga kaibigan ko. Ayaw kase namin ng atensyon kaya dito lang kami sa gilid."
Tumango na lang ako at inilapag ang bag ko sa upuan.
"Sige, ikaw muna ang umorder. Babantayan ko yang bag mo"
Tumango ako sa kanya at pumila na para kumuha ng pag kain.
"176 lahat"
"Ahm, pwede bang cash? Hindi ko pa kase nalalagyan yung card ko"
"Hindi po pwede."
Mataray na sagot ng kahera.
"Here."
Isang pamilyar na boses. Hindi nga ako nag kamali sya yung hambog kanina.
" I pay for that, pati yung sakin pakisama na rin"
Aangal pa sana ako kaso kinuha na ng kahera yung card ni hambog.
"Sige po. Miss Astrid"
Walang ekspresyong tinignan ko sya at nakangisi naman sya sakin.
"Marami akong dala eh, so pakibalik na lang sakin. Thats my table. Sige"
At muli, bago pa man ako makapag salita iniwan na nya ko. Bumuntong hininga na lang ako at inabot na ang card s kahera.
"Here. I pay you later"
Sabi ko at nilapag ang card nya sa table. Hindi naman nya ko nilingon at patuloy lang silang nag tatawanan nang mga kasama nya. Tumalikod na ko at humakbang pero mukhang sa pangalawang pag kakataon, sinadya na naman nyang patirin ako. Hindi katulad kanina, ngayon bahagya lang akong napaluhod pero tumapon sakin ang mga hawak kong pagkain.
Rinig na rinig ko ang tawanan at pang aasar ng mga estudyante. Inayos ko ang soot kong salamin. Wala na kong ibang nagawa kundi ang mag pigil ng inis at tumayong kunwari ay wala lang sakin at hindi na sya hinarap pa.
ASTRID
What?! Thats it?! Bakit wala syang ginawa? I mean kanina kung makaasta sya ang tapang tapang nya tapos ngayon, deadma? Bakit? Dahil ba maraming tao dito tapos sya ang biktima kaya ganyan sya umasta?!
Imbis na matuwa ako sa nangyare sa kanya, ako ata ang nainis dahil pakiramdam ko wala syang pakialam.
"Grabe ka naman Ash. Ang hard mo. Napahiya yung tao oh"
Sinamaan ko lang ng tingin si Zay.
Ako kaya yung napahiya. Pinatid na sya tapos parang wala lang. So ang labas ang sama sama ko.
"Hahaha laughtrip nga eh. Bagsak na naman sya"
Tumatawa paring sabi ni Sari.
"Shut up!"
"Oh, bat galit ka na naman?"
Bwisit talaga tong Sari na to.
"Just shut your mouth Sari and lets go"
Nauna na kong tumayo sa kanila at sumunod naman sila. Nawalan na ko ng gana dahil sa bwisit nayun.
"Ash, sobra na ata yun. Napahiya mo sya"
Taas ang kilay na lumingon ako kay Zay. Oo nga pala. Isa syang dakilang maawain sa babae.
"Tch. She deserve it. Pero sa inasta nya, parang ako ang pinahiya nya. Hinahamon talaga ako ng babaeng yun"
Gigil na sabi ko habang deretso ang tingin.
"Ha? Di ko gets"
Napairap na lang ako sa kaslowan ni Sari.
"Hindi kase sya pinansin nung babae. Tumayo ito at lumakad na parang walang nangyare"
Paliwanag sa kanya ni Zay.
"Soooo???"
Muli akong napairap.
"Ibig sabihin wala lang sa kanya yung ginawa ni Ash. Ending nag papansin lang si Ash"
Paliwanag sa kanya ni Zay. Halos patayin ko naman sa tingin si Sari ng humagalpak ito ng tawa. May pag punas pa ito ng mata na tila naluha sa sobrang saya.
"Sorry Ash. Hindi ko lang napigilan."
"Shut the fuck up Sari"
Tinaas naman nya ang dalawang kamay na tila sumusuko na sya.
Ang hirap magkaron ng slow na kaibigan. Mabuti na lang may matalino akong kasama.
'You really want war, i'll give you war. And i make sure, your gonna love this'
❤️JeyEmMen❤️
![](https://img.wattpad.com/cover/207478663-288-k232139.jpg)
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...