Sorry late update 😅😅😅
Medyo taghirap tayong makakuha ng load eh. Pagtyagaan nyo muna yung ilang chapter. HeheheheNakiconnect lang me kaya ito muna ma update ko.
Thanks in advance 😉 thanks for all my readers 😊😘😘
LEIGH
"Anyare dun?"
Si Kim.Nagkibit balikat lang ako pero tinignan nya lang ako ng masama.
"What?"
"Umamin ka! May ginawa ka sa kanya no?!"
"Wala."
"Eh bakit pulang pula yun?"
Nag kibit balikat lang ako at uminom ng tubig. Kaya ayoko ng gamot eh, nanunoot sa dila ko yung panget na lasa.
'Sino bang may sabing pang bata lang dapat ang matatamis na gamot?!'
Maya maya pa ay dumating na silang lahat.
"Kamusta girl? Nakapag usap ba kayo ni Ash?"
Si Sari."Mm."
"Yey! Thats good! Anong sabi nya?!"
Excited na tanong nya.
Tama. Lahat sila, ito ang plano.
*FLASHBACK*
"Hay nako. Iilang linggo palang ang dumaan simula ng mag umpisa ang klase at hindi na dapat ako magulat na nag sisimula na naman kayo ng gulo."
Si Dean, habang kausap sila Aira at Drummer. Tyaka sya humarap sakin na parang galit.
"And you. Ilang beses na nakarating sakin ang pangalan mo. Palagi na lang hindi maganda ang naririnig ko tungkol sayo? Aba baka gusto mong tanggalin kita sa varsity? Hindi bat ikaw din yung nag mura sa room ni Miss Azarcon?"
Madiing sabi nya."Hindi nga ako yun."
Nag salubong ang kilay nya tyaka sumandal sa upuan.
"Hindi ito ang unang beses na may reklamo tungkol sa pambubully at alam kong hindi lang si Mr. Florence ang nag sisiga sigaan dito sa campus kaya pwedeng ang ilan ay sangkot sa pambubully sayo."
"Dean, parating napo sila Ms. Hilton at Ms. Arthur, pero wala pa po ang anak nyo."
"Okay. Bring them here."
Pumasok na nga sila Zaylee at Sariyah at pereho silang tumingin sakin.
"You two."
Maotoridad na sabi ng Dean."Y-yes, Dean?"
Halos sabay na sabi ng dalawa."Do you know them?"
Turo samin ng Dean."Y-yes Dean."
Sabay ulit na sabi ng dalawa."Sino sa kanila ang nauna?"
"H-ho?"
"Po?"
"Sino sa kanila ang nag umpisa ng gulo?"
"A-ahm..."
Si Sari."Si Drummer po."
Si Zay.Tinignan naman kami ng masama ni Dean.
"Ms. Arthur, tawagin mo si Ms. Bryleighn."
Utos ni Dean kay Zay."Yes Dean."
Sumandal naman ako sa upuan ko at nagpandikwatro.
Nakipag titigan pa ko kay Dean na masama ang tingin sakin tyaka ko binaba ang paa ko at umiwas na lang ng tingin.
"Naisip mo ba Mr. Florence ang pwedeng maging resulta nyang ginawa mo?!"

BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Novela Juvenil"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...