LEIGH
Natatawa parin ako tuwing maiisip ko kung pano akong nagmukhang tanga sa harap ni Astrid. Hindi ko talaga alam kung anong meron sa babaeng yun para magawa ko yung mga bagay na hindi ko naman nagagawa sa kahit na sino.
Nanatili lang ako sa puwesto ko habang nakatanaw sa papalayong sasakyan nya.
'Kaya naman palang maging matino eh, nag mamaldita pa lagi.'
Tatalikod na sana ako paharap sa ospital ng mapansin ko ang isang pamilyar na mukha ng lalaki. Nakasilip sya sa coffee shop na pinag galingan namin kanina ni Astrid at parang may hinahanap. Ilang ulit pa syang sumilip sa salamin ng shop at tyaka mabilis na tumakbo papalayo.
Bago pa sya mawala sa paningin ko ay mabilis na sinundan ko na sya at nakita ko pa syang lumiko sa isang eskinita.
"Ano?! Sinabi ko ng bantayan mo diba?!"
"Sorry boss. Kanina nandun pa sila eh."
"Ito pala ang hideout nyo? Nice."
Pag singit mo sa pag tatalo nila.Tama nga ang hinala ko.
"Anong ginagawa mo dito?!"
Galit na tanong sakin ni Drummer. Hinawi nya pa ang kasama nya tyaka tumayo sa harap ko.'Tss. Para talagang bata. Kasama lagi ang mga kalaro nya.'
"Wala naman. Nag hahanap kase ako ng mga daga. Hindi ko alam na mga asong ulul pala ang makikita ko."
Sabi ko tyaka luminga linga sa buong eskinita. Madilim sa puwesto namin lalo na at pagabi na rin. Marami ding tambak na kung ano ano.'In short, makalat.'
"Nasan si Astrid?!"
'Gagong to?! Sakin nya hinahanap?!'
"Umuwi na. Hindi nyo naman kase sinabing mag gugoodbye pa kayo."
"Talagang binabantayan mo na ngayon ang babaeng yun no?!"
Nakangising sabi ni Drummer pero yung ngising naiinis."Bakit may kailangan ba kayo sa kanya?"
Seryosong tanong ko."Wala naman. Gusto lang sana namin syang bigyan ng isang regalo na hinding hindi nya malilimutan."
Nakangisi nya paring sabi habang nakatingin sa hawak nya kaya napatingin din ako dun.'Isang folded knife.'
"Alam mo?! Palagi ka na lang umeepal sa mga plano namin! May gusto ka ba sa boss namin para mag papansin ng ganyan?!"
Nangaasar na sigaw sakin nung isa sa tatlong alagad nya.
"Nakakairita na ang pagiging pakielamero mo! Hindi namin matapos ang plano namin dahil sayo! Ano ba talagang kailangan mo samin?! Bakit nag pifeeling hero kaba?!""Ang daldal mo."
"Eh gago ka pala talaga eh!"
Susugod dapat sya sakin pero pinigilan sya ni Drummer."Ako ang haharap sa babaeng yan."
Maangas na sabi nya at lumakad pa palapit sakin.
"Alam mo ayoko sa lahat ay yung pinapakialaman ang mga plano ko. Kaya nga buburahin ko sa mundo ang mga gaya mo. Tutal, nandito ka na lang rin namna. Bakit nga ba hindi na lang ikaw ang unahin ko?"
Sabi nya pa habang pinag lalaruan ang kutsilyo sa kamay nya."Dapat na ba kong matakot?"
"Hahhahha! Kakaiba ka talaga! Bakit ba palagi mo kaming pinapakialaman pagdating kay Astrid?! Siguro may gusto ka sa babaeng yun no?!"
"Eh boss tibo pala yan eh! Kaya pala! Hahhahaha!'
"Kaya naman pala malakas ang loob!"
"Balita ko nasa opsital daw ang kaibigan mo? Nakakalungkot naman. Baka bukas matuluyan na yun—"

BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...