087

1.7K 79 2
                                    

ASTRID

Lumipas ang ilan pang araw at bukas ay ililibing na ang lolo ni Cadence. Sa mga lumipas na araw ay naging payapa naman ang buhay ko dahil mukhang dinidinig ni Papa God ang panalangin ko. Halos araw araw bago pumunta sa school ay pinag dadasal ko na hindi ko makita ang buwisit na Nerd na yun, though wala naman talaga sya dahil nga suspended sya pero syempre mahirap ng mapagtripan ng pagkakataon. Pati pag uwi, pag punta sa bahay nila Cadence ay pinag dadasal ko na hindi sya makita. Hindi ko rin alam kung bakit pero mabuti na yun dahil wala rin namang magandang nangyayare kapag nakikita ko sya. Puro kabuwisitan lang ang dala nya!

Katulad ng mga ginagawa namin nung mga nakaraang araw, pagkatapos ng klase ay dumederetso kami sa bahay nila Cadence, kung hindi nman ay dumadaan muna kami sa mga sarili naming bahay bago pumunta sa kanila.

Hindi ko naman maiwasang magtaka dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin nakakaharap si Chairman. Usually kase, kapag dumating sya dito sa Pilipinas ay nag kakaroon na ng family gathering at doon na nga nagaganap ang pag huhukom. At sa kasamaang palad, ako lang ang laging sinasabon ni Chairman at si mommy lang ang nag tatanggol sakin.

Sa pamilya namin, si mommy lang ang nag spoiled sakin. Palagi syang nandyan para ipagtanggol ako kila Chairman. Sya ang sarili kong abogado sa pamilya ko lalo na kung ako naman ang nasa tama o kaya ay kapag sumosobra na sila Chairman sa mga sinasabi nila. Ganun si Mommy sakin kaya nga sobrang nasasaktan ako kapag umaalis sya. Pinag tatanggol naman ako ni kuya pero hindi sa harap ni Chairman. Wala naman kaseng may kayang tumutol sa lahat ng sinasabi ni Chairman.

"Huy, sis. Tulala ka na naman."
Si Sari na syang nag pabalik sa diwa ko.
"Sinong iniisip mo? Ha?"
Tanong nya na may pangasar na ngiti.

Nandito na kami sa usual spot namin sa bahay ng mga Kensington. At laking pasasalamat ko lang talaga at hindi na namin naabutan pa ang mga Kellen at maging si Nerdy. Huling lamay na rin kase to kaya maraming bisita.

Inirapan ko muna si Sari bago sumagot.

"Tss. Wag mo kong simulan."
Masungit na sabi ko sa kanya pero bahagya lang syang natawa.

"Is theres something wrong?"
Tanong ni Zay matapos sumimsim ng kape.

Tinignan ko lang sya. Tingin na parang nag aalinlangan. Kanina ko pa gustong sabihin ang gumugulo sa isip ko pero natatakot akong baka masyado lang akong praning.

"You know you can talk to us. Were just here."
Muling sabi ni Zay ng hindi ako umimik.

Nitong mga nagdaang araw, alam ko namang napapansin nila ang pananahimik ko. Madalas ay hindi ako kumikibo o nakikisali sa mga trip nila. Hindi ko magawang mag pakasaya sa tuwing naaalala ko ang mga napapansin ko at mga naiisip kong possibilities.

"Ash? Huy, bakla! Okay ka lang?"
Si Sari na sinamaan ko agad ng tingin.

"Ano ba?!"
Inis na sabi ko.
"Sabi ko ng wag mo kong tatawaging bakla eh! Yan napapala mo kakasama sa mga baklang yun."
Umiirap na sabi ko. Nagiging malapit na kase sya sa mga baklang kaibigan ng nerd na yun kaya pati sya nakikibakla  rin. Tss.

"May problema ba? Ang weird mo lately."
Si Zay na hindi pinansin ang sinabi ko. Halatang seryoso sya na gusto nyang malaman ang rason ko at bakas din ang pag aalala sa mukha nya.

'Hindi lang naman ako ang weird eh!'

Hindi ko na iwasang mapanguso sa naisip. Pumangalumbaba ako sa mesa at nakasimangot na tumingin sa kanila.

'Siguro mas mabuti kung sabihin ko na nga sa kanila para mabigyan din nila ako ng idea.'

"Hindi nyo ba nahahalata?"
Nakangusong tanong ko. Pareho namang nangunot ang noo nila na tila hindi makuha ang sinasabi ko.
"Im talking about Ryker."
Dagdag ko pa. Mas lalo akong napasimangot ng maalala ang mga napapansin ko sa kanya.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon