086

1.9K 81 0
                                    

LEIGH

Nang makaalis sila Cadence ay binaling ko ang tingin ko kila Astrid pero hindi ko maintindihan kung bakit ang sama ng tingin nya. Pag kakita palang nya sakin kanina ramdam ko na ang nakakamatay nyang tingin.

"Pumasok na kayo."
Kaswal na sabi ko na nakay Zay at Sari ang tingin.

"Hindi kaba muna papasok, Leigh?"
Nakangiting tanong ni Sari.

"Hindi."

"C-coffee? Ayaw mo munang mag coffee?"
Si Zay.
"If your thinking about your... family, they're already left."
Naiilang na dagdag pa nya.

"No need. I have to go."

Muli ko pang tinignan si Astrid pero nandun parin ang sama ng tingin nya.

"Sige. Ingat ka Leigh!"
Kumakaway na sabi ni Sari. Tinanguan ko lang sila at tyaka lumabas ng gate.

Hindi pa ko nakakalapit sa motor ko ay muli akong lumingon ng may tumawag sakin.

"Sandali!"
Halata ang galit sa tono ng boses nya. Napabuntong hininga na lang ako at tyaka sya hinarap.

"What?"

'Binalaan ko na sya kanina pero mukhang matigas talaga ang ulo ng babaeng to.'

"Pwede bang iwan nyo muna kami?"
Sabi nya sa mga kasama nya habang nasa akin parin ang tingin.

'Ano bang ginawa ko at parang kulang na lang ay gilitan na ko ng leeg ng babaeng to?'

"H-ha? Pero bakit?"
Takang tanong ni Sari.

"Just please leave us alone?!"
Inis  sabi nya ulit na hinarap na ang mga kaibigan.

'Ano na naman bang drama nito? Malelate na ko eh!'

"Sige."
Si Zay tyaka bumaling sakin.
"Sige, Leigh. Mukhang importante ang pag uusapan nyo ni Ash."

Tinanguan ko na lang sya at hinila na nya papasok si Sari na parang ayaw pang umalis. Nang tuluyang maisara ng guard ang gate ay tyaka sya galit na galit na humarap sakin.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!"
Galit na tanong nya at kahit anong talinong meron ako ay hindi ko makuha ang sinasabi nya.

"Ano bang ginagawa ko?"
Takang tanong ko.

"Ha! Stop playing dumb!"
Inis na sabi nya.
"Ano bang pumasok dyan sa kokote mo para basta na lang gumawa ng mga gulo?!"

Tuluyan ng nangunot ang nuo ko sa kalituhan.

'Ano na naman bang sapak ng babaeng to?'

"Anong gulo?"

"Wow! At ngayon nag papanggap ka pa?! Sabagay, dyan ka naman magaling!"
Galit na sabi nya.
"Pinag alala mo lang naman ang buong pamilya ni Cadence! Alam mo bang halos himatayin na si tita sa sobrang pag aalala?!"

"So?"
Naguguluhan pa ring tanong ko.

"So?! Anong so?! Nang aasar kaba?!"
Galit na sigaw nya sakin.

"Mukha ba kong nangaasar?"
Deretso kong tanong.

"I cant believe it!"
Inis na sabi nya na napasapo pa sa noo nya tyaka ako muling tinignan ng masama.
"Bakit ba kahit kailan wala kang kuwentang kausap?!"

"Bakit ba kase hindi mo na lang ako diretsuhin?"
Seryosong tanong ko.

'Dami pang paligoy, malelate na ko!'

"Fine!"
Sabi nya tyaka nag cross arms.
"Wala akong paki kung ano mang meron kayo ni Cadence pero sana naman isipin mo muna ang mga consequences ng mga actions mo! Hindi kaba nag iisip?! Ganun kaba ka walang pakialam sa nararamdaman ng kahit na sino na kahit simpleng paalam lang hindi mo magawa para naman hindi kami mag alala dun sa taong bigla mo na lang tinangay!"

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon