LEIGHPagabi na ng magising ako dahil sa gutom kaya naman bumaba muna ako para kumain. Naabutan ko si Kim na nasa sala at nag gugupit ng kuko nya sa paa.
"Oh. Gutom kano? May pagkain na dyan sa kusina. Kumain kana."
Sabi nya ng hindi ako nililingon dahil mukhang abala sya sa pag tanggal ng ingrown nya.Hindi ko na lang sya pinansin at dumeretso na ko sa kusina.
"Si Nixon?"
Tanong ko. Dahil malapit lang naman ang kusina sa sala ay tanaw ko padin sya.
"Teka, baka nasa bulsa ko. May nakita kabang Nixon? Malamang wala pa!"
Sarkastiko kong sabi nya. Kung hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko, kanina ko pa binato sa kanya ang tinidor na hawak ko deretso sa batok nya."Alam kong excited kang makatabi ang lalaking yun, pero maghunos dili ka naman! Arayy!!!!"
Sigaw nya ng batuhin ko sya ng basahang nasa lamesa.
"Bakit ka ba nangbabato?!"
Tss. Pasalamat nga sya at yun agad ang nadampot ko at hindi takip ng kaldero eh!
Matapos kumain ay nilagay ko lang sa lababo ang pinag kainan ko tyaka pumunta sa sala. Umupo ako sa mahabang sopa tyaka sya tinignan.
"Gusto mo tulungan kita?"
Nakangisi kong sabi sa kanya habang hirap na hirap sya sa pag tanggal ng kalyo sa paa nya. Umaliwalas naman ang mukha nya.
"Talaga?! Nice! Mukhang maganda epekto ng pagkakahampas dyan da ulo mo ah! Nagiging mabait kana! Takte, sana matagal na kitang hinampas."
"Kaya mo ba? Magiging madugo lang to."
Nakangising sabi ko kaya agad na nanlaki ang mata nya."Gago! Kalyo lang papatanggal ko pero balak mo atang tanggalin buong paa ko! Wag na lang!"
Mabilis na nilayo nya ang paa nya sakin. Sumandal na lang ako sa sopa at pinanood sya sa ginagawa.
"Leigh, hindi mo ba talaga nakita yung gumawa sayo nyan?"
Seryoso nyang tanong habang abala parin sa ginagawa."Bakit?"
"Wala naman.. pero anong gagawin mo kung halimbawa mahuli na kung sino sya?"
"Ako ng bahala don."
"Teka! Wag mong sabihing may binabalak ka na naman?!"
Hindi ko sya sinagot at nginitian lang. Tinignan nya naman ako na parang nanunuri tyaka umayos ng upo.
"Ikaw nga, umamin ka sakin. Seryosong usapan. Kilala mo kung sinong dumali sayo no?"
Napangisi naman ako dahilan para makumpirma ang tanong nya.
"Sabi ko na eh! Takang taka talaga ko nung una kaya may ideya na ko eh. Ikaw pa! Imposibleng mahampas ka ng ganun kadali eh kung tutuusin sila ang kawawa kung nag kataon! Sabihin mo, sino?"
"Sabi ko, ako ng bahala sa kanya."
"Ang damot ah! Sige clue na lang. Babae o lalake?"
"Sabi ko, ako ng bahala sa kanya."
"Yawa! Share naman! Sayang mga luha ko oh, iniyakan ko yang pag sadya mong mahampas!"
"Tss. Sa daldal mong yan malamang bukas lang, marami ng makakaalam."
"To naman! Ok, fine. Pero bakit ka naman nag patama sa kanya?"
"Wala lang."
"Ay, gago na tanga pa! Lakas din talaga ng sapak mo no?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/207478663-288-k232139.jpg)
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Fiksi Remaja"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...