142
*******
LEIGHTON
"Taray te ah! May pag hatid pa!"
"Oo nga! Ang sweet naman ni Zay sayo! Kayo na ba bakla?!"
"H-hindi pa..."
"Hindi pa?! Kaloka kayo! Hindi pa pero nag kiss na?!"
"A-ano ba! Yang bibig mo!"
"Morning Leigh."
Bati sakin ni Amya na mababakasan ng lungkot kahit na nakangiti sya."Morning."
"Ay wow! Himala! Aba, bumati pabalik ang bakla!"
Pang aalaska ni Jay pero dumeretso lang ako sa upuan ko."Gaga! Parang di mo naman knows yang ate nyong Leigh! Kung hindi nga lang jowa nyan si Ash, iisipin kong type nyan si Amya eh!"
"Ay true!"
"Huy!"
Bulong sakin ni Kim. Kinalabit pa nya ko ng hindi ko sya nilingon.
"Ayos ka lang?""Hmm."
Sagot ko lang at tyaka pumikit.Pakiramdam ko bibigay na ang katawan ko at hindi ko maiwasang matawa sa isip ko.
'Mukhang tama si Nixon... humihina na nga ata ako.'
Dati walang nakakapag patigil sa kin, kahit na anong sugat ang makuha ko o kahit na anong pasa dulot ng suntok walang epekto sakin pero ngayon isang sakit lang parang daig ko pa ang nag hihingalo.
Nung huling beses na nag kasakit ako, walang ibang nag alaga sakin kundi si Nixon.
Yun yung panahong tuluyan na kong tinakwil ng pamilya ko, yun yung panahon kung kailan iniwan ako ng lahat, yung panahon na binitawan ko ang lahat.
Halos ikamatay ko ang araw na yun at halos bumitaw na ko sa buhay ko.
Gumaling ako ng mag isa dahil ayoko na ring madawit pa sa gulo ko si Nixon.
Noon ko napatunayan na kaya kong mabuhay ng walang kinakapitan, na kaya kong gumaling sa sarili kong paraan, na kaya kong tiisin ang lahat ng mag isa.
'Pero tangna!'
Ngayon parang hindi ko na kaya.
'Sa ganitong pag kakataon, parang gusto ko lang na nasa tabi ko si Astrid at parang sya lang ang may kakahayang mag pagaan ng nararamdaman ko.'
Nag patuloy ang klase at panay ang madiing pikit ng mata ko dahil parang naluluha na rin ito.
Dalawang klase lang naman ang meron kami at kung hindi ganito epekto sakin ni Abo, mas gugustuhin ko na lang na matulog pero hindi...
'Gusto ko syang makita.'
"Huy!"
Muling kalabit sakin ni Kim.
"Walanjo! Mamamatay kana ba?!""Gusto mong unahin kita?"
Seryosong tanong ko sa kanya."Ha! Sa itsura mo parang mauuna kapa!"
"Gusto mo kong subukan?"
Nakangising tanong ko kaya napalunok sya."Leigh..."
Napatingin naman ako kay Amya na lumapit pa sakin.Second subject na namin at yun ay si Sir Ferb pero mukhang late sya kaya naman heto at kanya kanya sila ng daldalan.
"Ayos ka lang ba? Namumutla ka."
Nag aalalang tanong ni Amya. Maging sila Aj at Jay ay lumapit na samin."Oo nga bakla! Para ka ng dedz!"
Si Jay.

BINABASA MO ANG
Bully - SHE
أدب المراهقين"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...